^

PSN Palaro

Patrombon-Shipalov tandem sibak na

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi natapatan ni Uz­be­kistan netter Sergey Shi­palov ang init ng paglalaro ni Filipino ace Jeson Patrom­bon upang maisuko ang 3-6, 6-3,6-7 (9-11) kabiguan sa Koreanong sina Lee Jea-moon at Woo Chang-kyo sa doubles match ng World Super Cup Juniors Championships sa Osaka, Japan.

Sa pagtitiyaga ni Pa­trom­bon ay nahawakan ng fourth seeds and triple match point sa super tie break na 9-6.

Pero bumigay si Shipa­lov nang magtala ng mga errors upang makahulagpos ang inaasahang tagumpay sa quarterfinals.

Dahil nangatog, si Shi­palov ang siyang inatake nina Lee at Woo at ang kan­yang sablay na volley ang nagbigay sa ikalimang sunod na puntos ng mga Korean upang maselyuhan ang tagumpay.

“I simply could not understand what happened to Jeson’s partner. Shipalov was choking big time and so badly the Koreans sen­sed it and started attacking him,” wika ni coach Manny Tecson.

Hangad sana ni Patrombon na mahigitan ang pinakamagandang naabot sa Grade A tournament na quarterfinals kung nanalo sila.

Sa pangyayari, tuluyang nagtapos ang kampanya ng 30th ranked ng ITF sa torneo pero may pakonsuwelo si Patrombon nang na­kalikom ng 30 puntos sa singles at 25 naman sa doubles na makakatulong upang maitaas pa ang kanyang kasalukuyang rankings.

Sunod na lalaruan ni Patrombon ay ang LTAT International Junior Championships na itinakda mula Oktubre 25 hanggang 30 sa Nonthaburi, Thailand.

Ang kompetisyong ito ay isang Grade 2 event at inaasahang palaban sa titulo ang 17-anyos tubong Iligan City dahil siya ang top seed ng torneo.

Kung mapaghaharian, ito ang lalabas na ika­lawang panalo ni Patrom­bon sa taong ito matapos mapag­harian ang Xiamen Grade 2 noong nakaraang Setyembre.

GRADE A

ILIGAN CITY

INTERNATIONAL JUNIOR CHAMPIONSHIPS

JESON PATROM

LEE JEA

MANNY TECSON

PATROMBON

SERGEY SHI

SHY

WOO CHANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with