^

PSN Palaro

Patriots, Slammers maghihiwalay

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Makikilatis ang tunay na lakas ng Chang Thailand Slam­mers sa pagharap nila sa nagdedepensang Phi­lippine Patriots sa pagpapatuloy ng AirAsia ASEAN Bas­ketball League (ABL) Season 2 ngayon sa Nimibutr Na­tional Stadium sa Bangkok.

Ang laro ay itinakda ganap na alas-8 ng gabi at ang mananalo ay magsosolo sa liderato sa anim na ko­ponang liga.

Kapwa may 3-0 karta ang Slammers at Patriots papasok sa larong ito at nais pa ng home team na makuha ang ikatlong sunod na panalo sa kanilang home court.

Sinasabing kontender ang koponang ito dahil nakuha nila ang Best Import ng Season I na si Jason Dixon na naglaro sa Patriots at naihatid sa kampeonato.

May 15.7 points at 11 rebounds ang 6’10” center ma­tapos ang tatlong laro habang ang isa pang import na si Chris Daniel Kuete ang siyang nangunguna sa iskoring sa liga sa 25.3 puntos, 6 rebounds at 2.7 assists.

Nasa koponan na rin ang dating guard ng Patriots na si Froilan Baguion na naghahatid ng 3.5 assists bukod pa sa 3 puntos at 2 rebounds sa dalawang laro.

Tiyak namang mapapalaban sila sa Patriots na ka­kikitaan din ng pagbabalik ni Anthony Johnson matapos lumiban sa huling dalawang naipanalong laro sa Singapore Slingers at Brunei Barracudas.

Tumipak ng 24 puntos at 12 boards si Johnson nang kunin ng team na pag-aari nina Mikee Romero at Tony Boy Cojuangco, ang 71-62 unang panalo sa Barracudas. Pero minalas na nagkaroon ng right hamstring injury ang 6’6 import sa huling yugto.

ANTHONY JOHNSON

BEST IMPORT

BRUNEI BARRACUDAS

CHANG THAILAND SLAM

CHRIS DANIEL KUETE

FROILAN BAGUION

JASON DIXON

MIKEE ROMERO

NIMIBUTR NA

SEASON I

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with