^

PSN Palaro

Johnson lalaro sa Patriots vs Thailand

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Sa larong susukat sa hu­say ng nagdedepensang Philippine Patriots ay magagamit naman ng koponan ang serbisyo ng kanilang dalawang imports.

Si Anthony Johnson na lumiban sa huling dalawang laro ng Patriots ay magba­balik upang tulungan si Do­nald Little na harapin ang mga mahuhusay na imports ng Chang Thailand Slammers na kanilang makakatapat sa Sabado sa pagpapatuloy ng AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) na gagawin sa Bangkok, Thailand.

Kapwa may malinis na 3-0 karta ang magkabilang koponan kung kaya’t ang mananalo ang magsosolo sa liderato sa anim na ko­po­nang liga.

Si Johnson ay naghatid ng 24 puntos at may 12 rebounds upang tulungan ang tropang pag-aari nina Mikee Romero at Tony Boy Cojuangco sa 71-62 pa­nalo sa Brunei Barracudas sa unang laro.

Pero sinamang-palad na nagkaroon ng right hamstring injury si Johnson sa fourth period at ito ang nagtulak sa 6’6 forward upang hindi makalaro sa la­ban kontra sa Singapore Slingers at sa Barracudas uli na kapwa naipanalo ng koponan dala ng husay sa pagdepensa ng 6’10 na si Little.

“Hindi siya maglalaro ng mahabang minuto gaya ng dati pero inaasahan na­ming gagawin niya ang lahat upang matulungang manalo uli ang Patriots,” wika ni team manager Erick Arejola.

Malaking bagay ang pagbabalik ni Johnson da­hil ang Slammers ay nahugot ang serbisyo ng dating Patriots import at Best Import ng nagdaang season na si 6’10 Jason Dixon upang isama sa ma­sipag ding si Chris Daniel Kuete.

BASKETBALL LEAGUE

BEST IMPORT

BRUNEI BARRACUDAS

CHANG THAILAND SLAMMERS

CHRIS DANIEL KUETE

ERICK AREJOLA

JASON DIXON

MIKEE ROMERO

PHILIPPINE PATRIOTS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with