^

PSN Palaro

Corteza pasok sa semis sa Pattaya 9-Ball

-

MANILA, Philippines - Tumumbok ang two-time National Open champion na si Lee Vann Corteza ng back-to-back na panalo upang makapasok sa semifinal round ng Sangsom Pattaya 9-ball Invitational Pool Competition sa Royal Garden Plaza sa Pattaya, Thailand, nitong weekend.

Ginapi ng 31-anyos na si Corteza ang kalabang si Nitiwat Kanjanasri ng Thailand, 9-4, sa Last 16, bago naungusan si Fu Chi Wei ng Chinese Taipei, 9-7 sa quarterfinals na nagdala sa kanya sa semis.

Susunod niyang labanan si Liu Hui Chang ng Chinese-Taipei para sa isang puwesto na malaki ang posibilidad na maging all-Filipino finals.

Tinalo ni Liu ang Pinoy pool legend na si Efren ‘Bata’ Reyes, 9-3 sa quarters.

Sa kabilang dako, kapwa ginapi nina Dennis Orcollo at Ronato Alcano ang kani-kanilang kalaban upang isaayos ang kani­lang paghaharap sa isa pang semis match.

Sinibak ni Orcollo si Chris Melling ng England, 9-5 at si Liu Chien Chieh ng Chinese Taipei, 9-6, habang pinigil ni Alcano si Lee Chenman ng Hong Kong, 9-4 at hiniya si Stevie Moore ng US, 9-8.

Nauna rito, ginapi ni Corteza si Kevin Fortt ng Great Britain, 9-1 sa Last 32, pinataob ni Orcollo si Ophas Suwannarat ng Thailand, 9-3, namayani si Alcano kay Somkuan Tianpongkrang ng host country, 9-5 at niyanig ni Reyes ang Thailander na si Sompol Saetang, 9-1. 

ALCANO

CHINESE TAIPEI

CHRIS MELLING

CORTEZA

DENNIS ORCOLLO

FU CHI WEI

GREAT BRITAIN

HONG KONG

INVITATIONAL POOL COMPETITION

KEVIN FORTT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with