^

PSN Palaro

Patriots pakay ang panalo vs Brunei

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Simulan ang pagdepensa ng titulo sa pama­magitan ng panalo ang pakay ng Philippine Pa­triots sa pagbangga sa bisitang Brunei Barracudas sa AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) Season 2 ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang laro ay itinakda ganap na alas-4 ng hapon at nais ng Patriots na ma­ipakita rin ang bagong la­kas ng koponang bina­la­sa sa season na ito nang mawala ang mga key pla­yers na naghatid ng kam­peonato matapos talunin ang Satria Muda BritAma sa Finals sa Season 1.

Sina Nonoy Baclao, Elmer Espiritu at Val Acuna ay nasa PBA na habang ang mga imports na sina Jason Dixon at Gabe Freeman ay wala na rin at si Dixon nga ay maglalaro na sa Thailand Slammers.

Sina Finals MVP Warren Ybañez, Erwin Sta. Maria at JP Alcaraz ay nagbalik upang pamunuan ang koponang sasandal din sa mga imports na sina Anthony Johnson at Donald Little.

“Hindi kami puwedeng magkumpiyansa dahil ang ibang kasali ay tiyak na naghanda para biguin kami sa hangaring maidepensa pa ang titulo,” wika ni Dr. Mikee Romero na ka­tuwang ang co-owner na si Tony Boy Cojuangco.

Si coach Louie Alas ang siyang hahawak pa rin sa koponan na iniinda ngayon ang di paglalaro ni 6’7” Fil-Am Alex Crisano dala ng injury.

Tiyak na aani ng pun­tos si Johnson na da­ting naglaro sa PBA pero kailangang magdomina ang 6’10 na si Little dahil ang Barracudas ay magpaparada ng dalawang 6’9 imports na sina Kenny Boyd at Chris Commons.

ANTHONY JOHNSON

BASKETBALL LEAGUE

BRUNEI BARRACUDAS

CHRIS COMMONS

DONALD LITTLE

DR. MIKEE ROMERO

ELMER ESPIRITU

ERWIN STA

FIL-AM ALEX CRISANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with