^

PSN Palaro

Adamson kampeon sa Shakey's V-League

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Hindi na kinakailangan pa ng ika-apat na sets ng Adamson University upang tuluyan ng tapusin ang sea­son na ito at sungkitin ang kampeonato ng ikalawang conference ng Shakey’s V-League Season 7 sa ka­nilang paggapi sa San Sebastian College sa title-clinching Game Three ng kanilang best-of-three finals showdown sa The Arena sa San Juan kahapon.

Dinagit ng Lady Falcons ang pinaka-aasam na ikalawang korona sa lig­a ng kanilang patahimikin ang Lady Stags sa tatlong sunod na sets, 26-24, 25-17 at 25-16.

Ang itinanghal na Finals MVP na si Nerissa Bautista ang siyang bumuhos ng hus­to para igiya ang San Marcelino-based spikers sa kampeonato sa kanyang pinakawalang 17 puntos habang ang mainstay duo naman nila Angela Benting at Pau Soriano ay nagtala ng tig-13 at nagdagdag naman ang three-time Best Blocker awardee na si Michelle Laborte ng 10.

Sa kanilang ika-anim na kabiguang maiuwi ang korona, muli na namang sumandal ang Recto-based volley belles sa kanilang Thai import na si Jaroensri Bualee na tumipa ng 17 puntos habang si Elaine Cruz lamang ang natata­nging local player na lumaro ng maganda sa kanyang walong marka.

“Eto ang pinakamatamis na championship namin sa liga kasi umabot ng three sets, hindi na sila nakabawi”, ani ng multi-ti­tled Adamson coach na si Minerva Dulce Pante. 

Ito na ang kanilang ikalawang korona sa loob ng tatlong pagsalang sa Finals ng ligang iniisponsoran ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Una nilang nakuha ang korona noong ikalimang season laban sa Ateneo.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ANGELA BENTING

BEST BLOCKER

ELAINE CRUZ

GAME THREE

JAROENSRI BUALEE

LADY FALCONS

LADY STAGS

MICHELLE LABORTE

MINERVA DULCE PANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with