SBU, JRU puro na sa Finals
MANILA, Philippines — Umeskapo si Aldous Torculas sa mahigpit na pagbabantay sa kanya upang isalpak ang panelyong puntos at sikwatin ng San Beda University ang 85-83 panalo kontra Emilio Aguinaldo College sa Game 1 ng kanilang best-of-three semifnals sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa Mall of Asia Arena kahapon.
Nagtala si Torculas ng 11 puntos at limang rebounds, ngunit walang mas mahalaga pa sa kanyang krusyal na tira na tuluyang nagpayuko sa Generals.
Tabla ang iskor sa 83-all, inako ni Torculas ang responsibilidad, dumiskarte, pumepektus sa pag dribol at saka sumalaksak sabay ikot upang malansi ang bantay at ipinukol ang bola, resulta - pasok kaya nakalamang sila ng dalawang puntos, may tatlong segundo na lang sa oras.
Nagkaroon sana ng magandang pagkakataon ang Generals na dalhin ang laro sa overtime ngunit sumablay ang midrange jumper ni Nunag, nagtapos na may 14 puntos at anim na rebound, mula sa kanang bahagi ng court.
Samantala, nangailangan ng overtime game ang Jose Rizal University upang pasabugin ang Letran, 102-98 at makauna sa Game 1 at mamuro sa paghakbang sa Finals.
Humugot ng lakas ang Heavy Bombers kay Lawrence Mangubat sa dikdikang labanan sa bandang dulo ng laro para makahabol at makuha ang importanteng panalo.
- Latest


















