^

PSN Palaro

Solong liderato pag-aagawan ng Star Group of Publications, MLQU

-

MANILA, Philippines - Pag-aagawan ng ope­ning-day winners Manuel Luis Quezon University at ng Star Group of Publi­cations ang maagang solong liderato sa kanilang pag­haharap ngayon sa pag­babalik aksyon ng 2010 MBL Invitational basketball championship sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.

Asahan na ang mahigpitang labanan sa pagitan ng Stallions nina coach Sherman Crisostomo at ma­nager Ma. Victoria Chan at Starmen na ga­gabayan naman nina coach Rene Recto at manager Mike Ma­neze sa alas-7 ng gabing engkuwentro.

Naka-buwenamano ang MLQU ng talunin ang Lyceum of the Philippines, 73-72, habang hiniya naman ng Star Group ang EJM Pawnshop, 62-58 sa dalawang pares na ka­siya-siyang salpukan sa torneong ito na tatagal ng dalawang buwan at may suporta mula sa Smart Sports, Dickies Underwear at PRC Courier.

Muling sasandalan ng tropa ni Recto ang matikas na performance nina Jong Bondoc, Dennis Rodriguez, Virgilio Roque at dating national team standout na si Cris Corbin upang ihatid ang Starmen sa ikalawang sunod na panalo.

Ngunit batid ni Recto na hindi madaling kalaban ang Stallions kung saan siguradong gagawa ito ng malalim na taktika upang pigilan ang tangkang panalo ng Starmen.

At inaasahang ibabalandra ng Stallions sina Jo­pher Custodio, nagbida sa dramatikong come-from-behind na panalo ng MLQU sa Lyceum, katulong ang mga beteranong sina Jack Manalansan, Al­vin Vitug at Erick Dizon.

Gayunpaman, hindi basta-basta isusuko ng Starmen ang laban at siguradong may nakahandang game plan si Recto na iikot naman kina Randel Reducto, Mario Geocada, Ge­rald Ortega, Lester Reyes, Bong Martinez at ang pinakabeterano at itinuturing na puso ng koponan si Alfred Bartolome na maasahan sa opensa.

Samantala, sisimulan naman ng Wang’s-Ballclubs ang pagdepensa ng ka­nilang korona sa pakikipagharap sa Air Force sa alas-8:30 ng gabi.

vuukle comment

AIR FORCE

ALFRED BARTOLOME

BONG MARTINEZ

CRIS CORBIN

DENNIS RODRIGUEZ

DICKIES UNDERWEAR

ERICK DIZON

JACK MANALANSAN

SHY

STARMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with