^

PSN Palaro

3 Ginebra player nahaharap sa suspensyon

-

MANILA, Philippines - Bago pa man magsimula ang 36th season ng Phi­lip­­pine Basketball Association (PBA) ay posible nang maharap sa suspensyon at multa ang ilang Gin Kings ng Barangay Ginebra.

Ito ay matapos makipagrambulan sina Willy Wilson, Ronald Tubid at Rico Villanueva sa bumibisitang SK Knights sa kanilang tune-up game noong Miyerkules ng gabi sa The Arena sa San Juan na pinagwagian ng mga Koreans, 88-73.

Sina Wilson, Tubid at Villanueva ay nakatakdang ipatawag ng PBA Commissioner’s Office.

Nangyari ang kaguluhan nang makabangga ng 6-foot-2 na si Wilson ang isang Korean habang nagta­tayo ng isang screen.

Binigwasan ni Wilson ang Korean sa ulo kasu­nod ang rambulan ng dalawang koponan.

Ang SK Knights ay na­una nang nakipaglaro sa Smart Gilas ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa isang tune-up match.

Nauna nang nakausap ni PBA incoming Commissioner Atty. Chito Salud sina coaches Yeng Guiao ng Air21, Ryan Gregorio ng Meralco at Bo Perasol ng Powerade ukol sa pagiging pisikal ng mga laro sa 36th season.

BARANGAY GINEBRA

BASKETBALL ASSOCIATION

BO PERASOL

CHITO SALUD

COMMISSIONER ATTY

GIN KINGS

RICO VILLANUEVA

RONALD TUBID

RYAN GREGORIO

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with