^

PSN Palaro

STI kakapit pa sa 2nd spot

- Ni Mcinco -

MANILA, Philippines - Ipagpapatuloy ng STI ang kanilang pagkapit sa ikalawang puwesto sa kani­lang pagbangga sa host St. Clare nga­yong araw sa pagpapatuloy ng aksyon ng 10th edisyon ng National Athletic Association Of Schools, Colleges and Universities sa University of Manila Gym sa alas-11 ng umaga.

Ang mga Olympians ni coach Vic Ycasiano ay galing sa pagdurog sa University of Makati noong Linggo, 83-49 sa STI Global City sa Taguig upang makisosyo sa ikalawang puwesto kasama ang Our Lady Of Fatima at Centro Escolar University.

Kung magtatagumpay ang bataan ni coach Vic Ycasiano, lalapit sila sa nangu­ngunang UM Hawks na kasalukuyang may 8-1 win-loss card.

Susubukan namang kumawala sa pagsosyo sa ikatlong puwesto ng CEU na mayroong 6-2 baraha kasama ang OLFU sa kanilang pakikipagbuno sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasay sa alas-2 ng hapon.

Tatangkain naman ng AMACU at Informatics na humiwalay sa isa’t isa sa kani­lang banggaan sa ganap na alas-9:30 ng umaga upang umangat mula sa three-way tie para sa ikaapat na puwesto kasama ang San Sebastian College-Cavite na pawang may 5-4 na record.

vuukle comment

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

COLLEGES AND UNIVERSITIES

GLOBAL CITY

NATIONAL ATHLETIC ASSOCIATION OF SCHOOLS

OUR LADY OF FATIMA

SAN SEBASTIAN COLLEGE-CAVITE

ST. CLARE

UNIVERSITY OF MAKATI

UNIVERSITY OF MANILA GYM

VIC YCASIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with