^

PSN Palaro

Mexican boxer KO kay Gesta sa 7th round

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi binigo ni Mercito “No Mercy” Gesta ang mga tagahangang nananalig sa kanyang husay nang kanyang patulugin sa ikapitong round si Genaro Trazancos sa labang isinagawa sa Ca­sino Del Sol sa Tucson, Arizona.

Ang sagupaang ito ay isang non-title fight pero hindi nagpatumpik-tumpik ang 22-anyos tubong Mandaue City pero namamalagi na sa San Diego California, nang kanyang patumbahin ang beteranong si Trazan­cos gamit ang isang malakas na kaliwa.

Mas agresibo ang 35-anyos na Mexicano pero pinagbayad siya ni Gesta dala ng husay ng kanyang counter punching.

Solidong tumama ang kaliwa ni Gesta upang ma­buwal si Trazancos at kahit sinikap na makabangon ay hindi na nito nagawa para tuluyang mabilangan ng referee.

Ang opisyal na oras ng laban ay 53 seconds sa ika­pitong round.

Ang panalo ay nag-akyat sa malinis na karta na 19-0 bukod sa ikasiyam na KO at isang tabla.

Ang tabla ay nangyari noon pang 2005 laban sa isa ring Filipino boxer na si Rey Llagas pero matapos ito ay kumubra ng 10 sunod na panalo si Gesta.

Kasama nga sa kanyang tinalo ay si Oscar Me­za noong Hunyo 4 para maibulsa ang bakanteng WBO NABO Youth Lightweight title.

Dala ng matikas na kar­ta ay ikinukumpara na si Gesta sa husay ni Manny Pacquiao.

Ang panalong ito ay ina­asahan ding mag-aakyat kay Gesta mula sa kasalu­yang pang-15 puwesto sa WBO lightweight division na ang titulo ay hawak nina Juan Manuel Marquez at Michael Katsidis.

DEL SOL

GENARO TRAZANCOS

GESTA

JUAN MANUEL MARQUEZ

MANDAUE CITY

MICHAEL KATSIDIS

NO MERCY

OSCAR ME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with