^

PSN Palaro

Solo 3rd place dinagit ng Lady Eagles sa Shakey's V-League

- Ni Manuel Cin­co-trainee -

MANILA, Philippines - Bagaman hindi nakapaglaro sa loob ng isang linggo, nagawa pa ring ma­ilusot ng Ateneo ang isang five-set win laban sa Lyceum sa pagpapatuloy ng umaatikabong aksyon sa Shakey’s V-League Season 7 second confe­rence ka­makalawa ng gabi sa The Arena sa San Juan.

Pinadapa ng Lady Eagles ang Lady Pirates sa pamamagitan ng 25-25-10, 17-25, 16-25, 25-22, 15-12 five-set na panalo upang sumampa sa solo third pla­ce sa ligang inorganisa ng Sports Vision at iniisponsoran ng Shakey’s Pizza.

Muli na namang inangklahan ni Thai import Surasawadee Boonyuen ang atake ng Katipunan-based spikers sa kanyang inirehistrong 23 points habang inalalayan siya nina Kara Acevedo at Dzi Gervacio na pawang may tig-sampung puntos. May pitong puntos naman si Fille Cainglet.

Namuno naman para sa Muralla-based volley belles si former MVP Mary Jean Balse na mayroong 27 points habang ang isa pang guest player na si Dahlia Cruz ay may 20 points at si Joy Cases na­man ay mayroong tig-13 points.

Lalong dumikit ang Ate­neo upang maselyuhan na ang ikatlong upu­an sa quarterfinals ng season-ending conference ng premyadong volleyball league sa bansa.

Iniangat ng Lady Eagles ang kanilang record sa 3-1 win-loss card para sumampa sa third place sa likod ng league leading San Sebastian (5-1) at Adamson (4-2) habang nahulog naman sa ikalimang puwesto ang Lyceum na may 3-3 panalo-talo karta.

DAHLIA CRUZ

DZI GERVACIO

FILLE CAINGLET

JOY CASES

KARA ACEVEDO

LADY EAGLES

LADY PIRATES

MARY JEAN BALSE

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with