^

PSN Palaro

Draw itinulak ni So vs Russian GM sa Biel chessfest

- Ni Manuel Cinco-trainee -

MANILA, Philippines - Sa kanilang inaaba­ngang laban sa ika-anim na round, nagkasya lamang sa pakikipaghati ng puntos si GM Wesley So at GM Evgeny Tomashevky ng Russia upang pawang manatiling buhay ang pag-asa sa pagpapatuloy ng mainit na aksyon ng 2010 Biel Young Grandmaster Chess Championship kahapon sa Switzerland.

Nagkasundo ang dala­wang batang GM woodpu­shers matapos umabot la­mang sa 24 moves ang Queen’s Gambit.

Ang tablang laban na ito ay naglagay kina So at Tomashevky sa pakikipagsalo sa tatlong iba pa para sa ikalawa hanggang ika-anim na puwesto kasama sina GM Mazime Vachier-La­grave ng France, GM Dmtry Adreikin ng Russia at GM Maxim Rodshtein ng Israel na pawang may 3.5 points.

Nangunguna sa 10-pla­yer category-17 ang tumalo kay So sa fifth round na si GM Fabiano Caruana ng Italy na mayroong kabuuang apat na puntos.

Sa ika-anim na round, tanging si GM Vachier-Lagrave, ang highest rated player na may ELO Ran­king na 2723, lamang ang nakapag-rehistro ng panalo laban kay GM David Howell ng England.

Ang sixth round matches din sa pagitan nila Caruana at Truong Son ay nagtapos sa tabla kagaya ng laban nila Andreikin at Rodshtein at nila GM Anish Giri ng Netherlands at GM Parimarjan Negi ng India.

Haharapin ng tubong Ba­coor, Cavite na si So sa ika-pitong round si GM Truong Son ng Vietnam ga­mit ang puting piyesa matapos ang kanyang dalawang sunod na laban gamit ang itim.

Maghaharap din sa ika-pitong round sina Caruana at Giri, Vachier-Lagrave at Tomashevky, Rodshtein at Howell at Negi at Andreikin.

vuukle comment

ANDREIKIN

ANISH GIRI

BIEL YOUNG GRANDMASTER CHESS CHAMPIONSHIP

CARUANA

DAVID HOWELL

DMTRY ADREIKIN

EVGENY TOMASHEVKY

FABIANO CARUANA

SHY

TRUONG SON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with