^

PSN Palaro

Birhen pa nag Scc Spikers

-

MANILA, Philippines - Tatlong sets ang ta­nging kinailangan ng San Sebastian-Excelroof upang lalo pang pahigpitin ang kanilang pagkapit sa liderato at pagtiyak sa playoff para sa quarterfinals ng Shakey’s V-League.

Inirehistro ng Lady Stags ang kanilang ika-apat na dikit na panalo laban sa Perpetual Help sa loob lamang ng tatlong sets, 27-25, 25-21 at 25-18 sa pagpapatuloy ng mainit na aksyon ng ika­lawang conference ng ika-pitong season ng ligang inorganisa ng Sports Vision kahapon sa The Arena sa San Juan.

Muli na namang nagpa­sabog ng eksplosibong laro ang Thai import na si Ja­roensri Bualee upang pamunuan ang Lady Stags sa kanyang tinipong 27 points, 26 ay nanggaling sa spikes. Nagpakitang gilas din si guest player Suzanne Roces sa kanyang kinamadang 15 points habang may 11 naman si Joy Benito.

Galing mula sa isang impresibong three-set victory laban sa Ateneo noong Huwebes, dinomina ng Stags ang laban sa third set kung saan umalagwa sila sa maagang parte ng ikatlong set, 12-4. Hindi na muling nilingon ng tropa ni coach Roger Gorayeb ang naghahabol na Lady Altas sa pagbibida ni Bualee na nanguna upang selyuhan ang panalo matapos niyang umiskor ng 13 sa huling set.

“Ang main objective na­min is to accumulate as many wins as we can. Hangga’t maari hindi kami nag-iisip na ma-sweep, hindi naman natin puwedeng maliitin ang mga ma­kakalaban”, pahayag ni San Sebastian tactician Roger Gorayeb.

Nanguna naman para sa Perpetual Help si Sandra delos Santos na mayroong siyam na puntos.

Bunga nito, nananatiling nasa itaas ng team standings na prem­yadong volleyball league sa bansa ang San Sebastian sa kanilang wala pang dungis na 4-0 win-loss slate habang nahulog naman sa ika-pitong puwesto ang Perpetual sa kanilang 1-3 record.

BUALEE

JOY BENITO

LADY ALTAS

LADY STAGS

PERPETUAL HELP

ROGER GORAYEB

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN

SAN SEBASTIAN-EXCELROOF

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with