^

PSN Palaro

HIWALAY NG LANDAS

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Bagamat parehong may 2-0 records at namamayagpag sa simula ng 86th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament ang San Sebastian Stags at San Beda Red Lions, kapuna-punang tila magkaibang landas ang kanilang tinatahak.

Para kasing hirap na hirap na manalo ang defending champion Stags at ang dali namang magwagi ng Red Lions.

Noong opening day ay pinahirapan ng Letran Knights ang Stags bago namayani ang San Sebastian, 59-53. Ito’y sa kabila ng pangyayaring wala na sa poder ng Knights sina RJ Jazul at Rey Guevarra na kapwa miyembro ng Smart Gilas. Hindi din naglaro ang prized sophomore na si Kevin Alas.

Nakahinga ng maluwag si SSC coach Renato Agustin nang magwagi sila at sinabi niyang mabuti na lang at gumana ang kanilang depensa sa fourth quarter.

Sa araw ding iyon ay magaan namang tinalo ng San Beda ang Jose Rizal Heavy Bombers, 68-52.

Noong Biyernes ay muling sumabak sa aksyon ang Stags at Red Lions kontra sa magkahiwalay na kalaban.

Aba’y mas nakakakaba ang nangyari sa Stags dahil sa muntik na silang ma-upset ng University of Perpetual Help Altas na noong nakaraang season ay ninth place sa sampung teams na kalahok. Idagdag pa rito ang pangyayaring ni-revamp ni coach Boris Aldeguer ang Altas at 11 ang kanyang mga rookies.

Aba’y lumamang pa ng walong puntos ang Altas sa simula ng fourth quarter bago nagising ang Stags at nanalo pa rin sa dakong huli, 73-69.

Sa sumunod na laro noong Biyernes ay tinambakan ng San Beda ang Emilio Aguinaldo College Generals, 97-55.

So, kapag pinagkumpara ang Stags at Red Lions, masasabing mas maganda ang simula ng San Beda. Nakalaban ng Red Lions ang third placer at sixth placer noong nakaraang season at nagposte sila ng winning average na 29 puntos.

Nakaharap naman ng Stags ang fourth placer at ninth placer noong nakaraang season at ang kanilang winning margin ay limang puntos.

Ano ba iyan? Bakit kaya ganyan?

Natural na ito ang maging reaction ng mga sumusubaybay sa NCAA at nag-aabang kung kayang igiya ni Agustin sa ikalawang sunod na kam­peonato ang Stags lalo’t sila ang host ng season na ito.

Ang siste’y para yatang nagkukumpiyansa ang Stags ngayon. Kumbaga’y ‘laro na, nilalaro pa.” Para yatang iniisip nila na kaya nilang mamayagpag ulit kahit na hindi matindi ang effort na ipakita nila.

Aba’y delikado iyan. Kaila­ngang maayos ni Agustin ang pag-uugali ng kanyang mga manlalaro habang maaga pa.

Sa kabilang dako, determinado naman ang Red Lions na makabalik sa itaas matapos na mabigong maisukbit ang ikaapat na sunod na kampeonato noong nakaraang season. Maganda ang naging recruitment program ni coach Frankie Lim. Focused ang kanyang mga bata.

Natural na natural ito para sa San Beda. Nasaktan sila noong isang taon. Gigil silang bumawi ngayon!

* * *

BELATED birthday gree­tings kay Cheska Beltran na nag-debut noong Sabado, July 3. 

AGUSTIN

ALTAS

BORIS ALDEGUER

CHESKA BELTRAN

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

NOONG

RED LIONS

SAN BEDA

STAGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with