^

PSN Palaro

‘Winner-take-all’ game 7

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
‘Winner-take-all’ game 7
Inaasahang kakayod ng todo si Justine Bronwlee para maihatid ang Ginebra sa kampeonato laban sa TNT.
PBA Image

MANILA, Philippines — Ang mananalo ay magdiriwang sa gitna ng court, habang ang matatalo ay uuwing luhaan.

Pag-aagawan ng nagdedepensang TNT Tropang 5G at Barangay Ginebra ang korona ng Season 50 PBA Commissioner’s Cup sa Game Seven nga­yong alas-7:30 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Humakot si import Chris McCullough ng 53 points at 22 rebounds sa 98-90 panalo ng Tropang 5G sa Game Six noong Linggo para itabla sa 3-3 ang kanilang best-of-seven championship series ng Gin Kings.

“We said let’s play the best 96 minutes of our lives — Game 6 and Game 7. And now, we’ve done the first half of that,” ani TNT coach Chot Reyes sa hangad nilang ika-12 korona, habang ang pang-16 titulo ang puntirya ng Ginebra.

Gusto ring maduplika ng Tropang 5G ang kanilang pagbangon mula sa 2-3 agwat sa serye sa Gin Kings para agawin ang Season 49 Commissioner’s Cup.

Naging personalan na rin ang serye para kina TNT coach Chot Reyes at Ginebra mentor Tim Cone.

Sinabi ng 61-anyos na si Reyes na tila napapaboran ang kampo ng 68-an­yos na si Cone pagdating sa officiating.

“It’s a narrative that’s getting really old and I’m really… and it’s starting to bother me a little bit,” sabi ng 25-time champion coach na si Cone sa dati niyang Alaska assistant na si Reyes.

Tinukoy din ni Cone sa kanilang pagkatalo sa Game Six ang masamang 1-of-12 field goal shooting ni Best Player of the Conference RJ Abarrientos.

“Ito ang pinakamaganda sa basketball, sa lahat ng sports, it’s Game 7. Kailangan naming tanggapin ang talo sa Game 6 and move on na lang,” sabi ng 26-anyos na si Abarrientos.

Bukod kay Abarrientos, muli ring aasahan ng Ginebra sina Best Import Justin Brownlee, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Troy Rosario at Stephen Holt.

Itatapat ng TNT sina McCullough, Roger Pogoy, Jordan Heading, Rey Nambatac, Kelly Williams at Henry Galinato Jr.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with