Messi sumipa ng World Cup record

KANSAS CITY, United States — Gumawa ng kasaysayan si football superstar Lionel Messi matapos maging joint all-time leading goalscorer sa World Cup.
Sumipa ang 38-anyos na Argentina team captain ng isang hat-trick sa 3-0 panalo ng mga South Americans laban sa Algeria dito kahapon.
Ang nasabing hat-trick ni Messi — kauna-unahan niya sa World Cup — ang nagtabla sa kanya kay Miroslav Klose ng Germany bilang top scorer sa itinala niyang 16 goals sa World Cup history.
Tinatawag na hat-trick kapag umiskor ang isang player ng tatlong goals sa iisang laro.
Nasa ikatlong puwesto si Brazilian great Ronaldo na may 15 goals kasunod sina Gerd Muller at France star Kylian Mbappe na may tig-14 goals.
“To enjoy this with my family, with my teammates, the ones who are always there, is a really beautiful moment,” sabi ni Inter Miami star na si Messi. “I’m happy. It’s an honor to be there, given what it means to stand alongside Klose or the others.”
Hangad ni Messi at ng Argentina na maging unang tropa matapos ang Brazil noong 1962 na nanalo ng back-to-back World Cup titles.
“For 20 years, he’s had us used to seeing things like this, and he inspires everyone who watches him play,” ani Argentina coach Lionel Scaloni kay Messi.
Sinabi ni Argentina midfielder Alexis Mac Allister na si Messi pa rin ang nanatiling ‘puso’ ng tropa sa kabila ng kanyang veteran status.
Inilarawan naman ni Rodrigo De Paul ang dating Barcelona star bilang “a beast”.
- Latest























