^

PSN Palaro

Heavy Bombers, Blazers bumangon sa kabiguan

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Matapos ang kanilang opening day loss, natikman na rin ni dating PBA superstar Vergel Meneses ang una niyang panalo bilang isang head coach sa 86th NCAA men’s basketball tournament.

Humakot si Came­roonian Joe Etame ng 15 points, 15 rebounds at 2 shotblocks para panguna­han ang 67-62 overtime win ng Jose Rizal University sa Letran College kahapon sa The Arena sa San Juan.

“Siyempre, very happy ako na nanalo ako dito sa NCAA as head coach,” sabi ng 41-anyos na si Mene­ses, ang 1995 PBA Most Valuable Player (MVP), sa kanyang alma matter. “Hopefully, ma-sustain namin itong ganitong klaseng intensity.”

Sinamantala ng Heavy Bombers ang mintis na jumper ni Kevin Alas at turnover ng Knights sa hu­ling tatlong minuto ng extension period para kunin ang 63-59 abante galing sa apat na freethrows nina Etame at Alex Almario sa huling 2:31 nito.

Ang 24-second violation ng Letran ang nagresulta sa split ni Almario para sa 64-59 lamang ng Jose Rizal kasunod ang undergoal stab ni Anthony Lopez na nagbaon sa Letran sa 66-59 sa huling 1:05 ng laro.  

Sa unang laro, binigo na­man ng College St. Benilde ang Arellano University, 70-64, para sa kani­lang unang tagumpay at ma­katabla ang Mapua Institute of Technology.

Nagsalpak si Mark de Guzman ng apat sa siyam na three-point shots ng Blazers upang tumapos na may 14 , game-high 9 assists at 5 rebounds, habang may 13 marka naman si Carlo Lastimosa, ang pamangkin ni dating PBA star Jojo Lastimosa.

“Our speed and three-point shooting help us in this ,” ani St. Benilde coach Richard del Rosario.

ALEX ALMARIO

ANTHONY LOPEZ

ARELLANO UNIVERSITY

CARLO LASTIMOSA

COLLEGE ST. BENILDE

HEAVY BOMBERS

JOE ETAME

JOJO LASTIMOSA

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with