^

PSN Palaro

Patrombon, Alcantara sibak agad sa main draw sa AEGON netfest

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sa doubles na lamang magtatangkang kuminang ang mga Pinoy netters na sina Jeson Pa­trombon sa Francis Casey Alcantara sa idinadaos na AEGON Junior International --Roehampton 2010 sa London .

Ito’y matapos lumasap ng kabiguan sina Patrombon at Alcantara sa kanilang panimulang laro sa boy’s singles sa Grade I event na ito.

Napatalsik si Patrombon sa kamay ni US Nick Chappel sa 6-2, 7-5, straight sets na laro habang si Alcantara ay yumukod din sa straight sets na 6-1, 7-5, kay Hugo Dellien ng Bolivia .

Matapos ang kabiguan ay inaasahang ibubuhos ng dalawang Filipino netter ang husay sa doubles kapareha ang mga dayuhan.

Si Patrombon ay maka­ka­tambal si Barrett Franks ng New Zealand at hahangarin ng 17-anyos top junior netter ng bansa na mapantayan ang ginawang pagpasok sa finals sa Gerry Weber sa Germany noong nakaraang linggo.

Masusukat ang husay ng kanilang tambalan sa pagbang­ga kina Gregoire Barrere at Mathias Bourgue ng France sa first round.

 Kung papalarin ay mas ma­bigat ang sunod nilang makakalaban dahil ang mananalo sa pagitan nina British wild card Liam Broady at Tom Farguharson at top seeds Duilio Beretta ng Peru at Roberto Quiroz ng Ecuador ang kanilang makakaharap.

Si Alcantara naman ay ipi­narehas kay Oliver Golding ng Great Britian at unang makakalaban sina Chappel at Dane Webb ng USA.

vuukle comment

BARRETT FRANKS

DANE WEBB

DUILIO BERETTA

FRANCIS CASEY ALCANTARA

GERRY WEBER

GRADE I

GREAT BRITIAN

GREGOIRE BARRERE

HUGO DELLIEN

JESON PA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with