^

PSN Palaro

Kababaihang runners lalahok sa Lactacyd 21K marathon

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Isang kompetisyon na su­sukat sa tibay ng mga kababaihang runner ang isasagawa sa Hunyo 27 sa Venice Piazza Mall sa McKinley Hill sa The Fort.

Inihandog ng Woman by Lac­tacyd, ang kompetisyon ay isang relay event na bukas sa lahat ng antas ng kababaihan. Ang isang koponan ay bubuuin ng apat na kababaihan na ha­hatiin ang pagtakbo sa 21 kilometrong distansya.

“We hope to encourage women, including those achie­vers in their respective fields, to take up running as an inex­pensive, convenient sport for a healthy lifestyle,”wika ni Lactacyd product manager Alde Po nang dumalo ito sa PSA Fo­rum sa Shakey’s UN Avenue kahapon.

Ang unang takbo ay inilagay sa 10-kilometro bago ito sundan ng tagisan sa 5k at dalawang magkasunod na 3-k distance para mabuo ang 21-K.

Ang mga kasapi ng koponan ang bahalang magtalaga ng ma­nanakbo sa nabanggit na mga distansya at ang mga ba­baing edad 18 hanggang 45 ang puwedeng sumali.

Ang isang runner ay puwedeng dalawang distansya ang takbuhin na gagawin sa unang yugto at huling yugto.

Upang maihanda ang mga kalahok, isang libreng running clinic naman ang gagawin mula Mayo 30 hanggang Hunyo 13 para sa mga bagito at sa Hunyo 6 para sa mga sanay ng tumakbo sa Venice Piazza Mall.

Ang mga magtuturo ay sina Bea Locsin, Leica Carpo, Ches­ca Carpo at Amanda Carpo na lalahok din sa kompetisyon.

ALDE PO

AMANDA CARPO

BEA LOCSIN

CARPO

HUNYO

INIHANDOG

LEICA CARPO

SHY

VENICE PIAZZA MALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with