^

PSN Palaro

Pacquiao lalaro sa PBL, Liga

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi magiging saga­bal sa bagong upong Kongresista ng Sarangani na si Manny Pacquiao ang bagong trabaho kung ang paglalaro ng basketball ang pag-uusapan.

Inihayag kahapon ni MP Warriors coach Fean Del Rosario ang kahan­daan na muling isuot ni Pac­quiao ang uniporme ng koponan sa gagana­ping Tournament of the Philippines (TOP) na bubuksan na sa Hunyo 2.

Ang TOP ay unang pro­yekto ng pinagsanib na Liga Pilipinas at Philippine Basketball League (PBL) at aabot sa siyam na koponan ang naka­takdang lumahok sa kompetisyon.

Ang MP Warriors nga ay isa sa limang koponan sa Visayas at Mindanao at inaasahang makukuha nila ang suporta ng ma­­nonood kung tototohanin ni Pacquiao ang desis­yong maglaro uli.

Tiyak ding hahakot ng interes ang koponan dahil nakuha rin nila ng serbisyo ng 6’5 Fil-Am na si Clifford Hodge sa isinagawang drafting kahapon sa tanggapan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa Ultra sa Pasig City.

 Maliban sa Gensan ay lumahok din sa drafting ang Laguna, Mandaue, Misamis Oriental at Cebu Ninos ng Liga at Ani, Pharex at Cobra ng PBL.

Apat pang Fil-foreigners ang nakuha sa first round at ang mga ito ay sina Kelly Berry ng Ani Agrinurture, Stanley Pringle Jr. ng Pharex, Lance Beverette ng MisOr at Shawn Weinsten ng Ce­bu.

ANI AGRINURTURE

CEBU NINOS

CLIFFORD HODGE

FEAN DEL ROSARIO

KELLY BERRY

LANCE BEVERETTE

LIGA PILIPINAS

MISAMIS ORIENTAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with