^

PSN Palaro

Ateneo Spikers pakay ang semis

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Samahan ang nagdedepen­sang UST sa semifinals sa Group II ang misyon ngayon ng Ateneo sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 7 quarterfinals sa The Arena sa San Juan.

May 1-0 karta, haharapin ng Lady Eagles ang Southwestern University sa unang laro ganap na ika-2 ng hapon at ang maili­listang panalo ay mangangahulungan ng kanilang pagpasok sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision na handog ng PLDT My DSL sa suporta ng Shakey’s Pizza.

Ang South Western Univer­s­ity naman ay may 0-1 karta bu­nga ng kabiguan sa eliminasyon sa UST pero may tsansa pa si­lang makahirit ng Playoff sa Final Four kapag tinalo nila ang Lady Eagles na may 1-0 karta sa bisa ng tagumpay sa St. Benilde.

Parehong may ipinagmama­laking Thai imports ang mag­kabilang koponan at ang Lady Cobras ay ibinabandera ni Piya­tada Lasungnern laban kay Son­taya Keawbundit ng Lady Eagles.

Dahil parehong mahusay kung kaya’t ang inaasahang panalo ay mapapadali sa ipa­ki­kita ng mga local players tulad nina Charo Soriano, Fille Cainglet, Bea Pascual, Denise Acevedo at Jem Ferrer laban sa pambato ng CESAFI champions na sina Rapril Aguilar, Erika Verano, Danika Gendrauli at Lori Layno.

Ang pangalawang laro da­­kong alas-4 ng hapon ay katatampukan ng tagisan ng Adamson at University of St. La Salle.

Parehong may 0-1 karta ang dalawang koponang nabanggit kaya’t ang mananalo ay magkakaroon ng pagkakataong manatiling buhay ang hangaring makaabante sa susunod na yug­to sa torneong suportado rin ng Accel, Mikasa at Mighty Bond.

Ang mananalong koponan ay tatabla sa pangalawang pu­westo na kasalukuyang ta­ngan ng San Sebastian sa 1-1 ma­tapos matalo ito sa Lyceum kamakalawa.

ANG SOUTH WESTERN UNIVER

BEA PASCUAL

CHARO SORIANO

DANIKA GENDRAULI

DENISE ACEVEDO

ERIKA VERANO

FILLE CAINGLET

FINAL FOUR

LADY EAGLES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with