^

PSN Palaro

Lady Pirates umatake

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Mas mainit ang nai­pakitang paglalaro ng Ly­ceum upang maikasa ang 25-19,19-25, 19-25, 26-24,15-11, tagumpay sa San Sebastian sa pagsisimula ng Shakey's V-League Season quarterfinals kahapon sa The Arena sa San Juan.

Tumipak ng 30 puntos si Thai import Porntip Santrong at nakipagtambal kay Joy Cases sa net game lalo na sa huling dalawang set para maitala ang panalo sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT My DSL sa tulong ng Shakey's Pizza.

Inakala ng panatiko ng Lady Stags na mananalo na ang kanilang paboritong koponan nang hawakan ang 20-18 kalamangan sa ikaapat na set pero bumigay ang koponang pinamumunuan ni Thai import Jeng Bualee at hindi natapatan ang init ng paglalaro ng Lady Pirates na naipanalo ang walo sa sunod na 12 puntos na pinaglabanan para maihirit ang deciding fifth set.

Tuluyang gumuho ang laban ng San Sebastian nang madepensahan na si Bualee upang makumpleto ng Lady Pirates ang paghabol buhat sa 1-2 pagkakalubog at mailista ang unang panalo.

vuukle comment

JENG BUALEE

JOY CASES

LADY PIRATES

LADY STAGS

PORNTIP SANTRONG

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN

SHAKEY

SPORTS VISION

V-LEAGUE SEASON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with