^

PSN Palaro

Barriga may pag-asa sa Youth Olympics

-

MANILA, Philippines - Tanging si light flyweight Mark Anthony Barriga ng Panabo, Davao del Norte ang magdadala sa bandera ng Pilipinas sa 16th World Youth Amateur Boxing Championships sa Baku, Azerbaijan.

Sa likod ng kanyang da­lawang panalo, may pag­kakataon si Barriga na makasuntok ng tiket para sa Youth Olympics na nakatakda sa Agosto 14-26 sa Singapore.

Anim na panalo ang ti­ti­yak ng gold medal para kay Barriga, habang lima ay para sa silver at apat ay para sa bronze.

Tinalo ng 17-anyos na si Barriga si Zhang Liang, 7-3, ng China noong Lunes at binigo si Tanes Ongjunta, 15-5, ng Thailand noong Miyerkules para makalaban si Nikita Fedorchenko ng Russia.

Sakaling manalo si Bar­riga kay Fedorchenko, makakaharap nito sinuman kina Ryan Burnett ng Ireland at Rober Barrera Estrada ng Colombia sa quarterfinals.

Tuluyan namang nasibak sina flyweight Jenno Cabugngan ng Tagbilaran City, Bohol at lightweight Michael Delorino ng Catarman, Northern Samar sa kani-kanilang mga laban.

BARRIGA

JENNO CABUGNGAN

MARK ANTHONY BARRIGA

MICHAEL DELORINO

NIKITA FEDORCHENKO

NORTHERN SAMAR

ROBER BARRERA ESTRADA

RYAN BURNETT

TAGBILARAN CITY

TANES ONGJUNTA

WORLD YOUTH AMATEUR BOXING CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with