^

PSN Palaro

Deadline sa veterans itinakda ng PBL

-

MANILA, Philippines - May hanggang bukas na lamang ang mga veteran players para isumite ang kanilang aplikasyon ukol sa season-ending tournament ng Philippine Basketball League (PBL).

Bahagyang binabaan ng PBL ang age requirements para sa second conference at ang hakbang na ito ang magbibigay daan sa bawat koponan na magpadala ng maximum na tatlong manlalaro sa pagitan ng mga edad na 26-hanggang 28.

Ang nasabing mga manlalaro, ayon kay Executive Director Butch Maniego, ay maaaring ex-pros mula sa PBA at ABL o mga beterano ng PBL, La Liga o iba pang local leagues.

Kailangan lamang nilang isumite ang kanilang pangalan para sa drafting bago sumapit ang Abril 14 o kaya ay i-fax ang sulat sa PBL office sa tel.no. 533-3556 o mag-email ng applications sa [email protected].

Hinihikayat rin ang pro league practice players na pinayagan ng kani-kanilang mga PBA teams na sumali sa PBL ngayong conference.

At sa layuning makahikayat pa ng mas maraming manlalaro mula sa south upang subukan ang kani-kanilang kinabukasan sa big city hoops, pinayagan rin ang PBL teams na direktang ku­muha ng limang cagers mula sa Visayas at Mindanao na hindi pa nakakalaro kahit sa alin mang torneo sa Metro Manila-based college league at hindi bababa sa 26-taong gulang.

At kung sakaling sila ay lampas sa age limit, kailangan nilang dumaan sa reinstatement draft.

ABRIL

BAHAGYANG

EXECUTIVE DIRECTOR BUTCH MANIEGO

HINIHIKAYAT

KAILANGAN

LA LIGA

METRO MANILA

MINDANAO

PBL

PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with