^

PSN Palaro

SWU belles susukatan ng SSC spikers

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Makikilatis ang lakas ng Vi­sayan team Southwestern University sa pagharap nito sa NCAA champion San Sebastian sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 7 ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Pinalakas ng SWU ang kani­lang kampanya sa pagkuha sa serbisyo ni Thai player Piyatada Lasungnern sa hangaring ma­do­mina ang ligang iprinisinta ng PLDT MyDSL at suportado ng Shakey’s Pizza.

Si Lasungnern ay dating na­tional player sa Thailand at nag­laro sa Asian Youth Girls Vol­leyball Tournament at sa World Youth Volleyball Championships.

Masusukat ang Thai import ng SWU na nagdodomina sa CE­SAFI, dahil ang Lady Stags ay binubuo naman ng mga ma­­titikas ding manlalaro sa pa­ngu­­n­guna ng nagbabalik na Thai import Bualee Jaroensri.

Magbabalik din sa koponan sina Joy Benito, Mari Pepito, Bon­sai Mirasol at guest player Suzanne Roces sa hangaring mag­kampeon uli na huling nang­yari sa pangalawang conference sa taong 2008.

Ang laro ay itinakda dakong alas-4 at mauuna munang mag­tagisan sa opening game ng ligang inorganisa ng Sports Vision at binigyan din ng ayuda ng Mikasa, Accel, at Mighty Bond ay ang dating kampeon Adam­son at Lyceum ganap na alas-2 ng hapon.

Sina dating MVP Nene Bautista, Pau Soriano, Jil Gustilo at Angela Benting ang mga ma­ngunguna sa Lady Falcons na sasagupain ang Lady Pirates na pinalakas ng pagdating ni Tip Santrong ng Thailand.

Si Santrong ay dati ring nag­laro sa national team ng Thai­land at inaasahang ang karanasan nito ay makakatulong upang maging palaban ang kanilang koponan.

Ang mananalong mga koponan ngayon ay makakasalo sa 1-0 karta na kasalukuyang ta­ngan ng Ateneo at UST.

Tinalo ng Lady Eagles ang St. Benilde, 25-12, 26-24, 25-19, habang isang 25-9, 25-13, 25-13, straight sets din ang kinalawit ng Lady Tigresses sa FEU na nangyari nitong Linggo. 

vuukle comment

ANGELA BENTING

ASIAN YOUTH GIRLS VOL

BUALEE JAROENSRI

JIL GUSTILO

JOY BENITO

LADY EAGLES

LADY FALCONS

LADY PIRATES

LADY STAGS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with