^

PSN Palaro

Lopez hangad ang silver sa China Open

-

MANILA, Philippines - Umabante sa semifinal round si welterweight Wilfredo Lopez sa AIBA-ranking tournament China Open sa Guiyang, Guizhou Province, China.

Ito ay makaraang pigilin ni Lopez si Mutaz Don Duk ng Jordan sa 1:24 sa second round para sa kanyang 5-0 abante.

Nakatiyak na ng bronze medal, susubukan naman ni Lopez na makapasok sa gold medal round.

Makakasagupa ni Lopez sa semis si Arisnoidys Despaigne ng Cuba.

Hangad rin nina bantamweight Aston Francis Palicte at light flyweight Gerson Nietes, nakakuha ng bye, na makapasok sa semis.

Nagmula si Palicte sa isang third-round stoppage kay Hong Kong bet Cho Cheng Yu sa quarterfinals upang makatagpo si Mirzhan Rakhimzhanov ng Ka­zakhstan.

Makakabangga naman ni Nietes ang isa pang Kazakh na si Idyaz Sulay-Minov.

Katulad ni Lopez, sigurado na ring mag-uuwi ng bronze medal sina Palicte at Nietes dahil sa paglagpas sa quarterfinals.

Natalo naman sina featherweight Charly Suarez at flyweight Rey Saludar kina Dmitry Polyansky ng Russia, 2-5, at 2008 Olympic gold medalist Zou Shimming, 0-10, ayon sa pagkakasunod.

ARISNOIDYS DESPAIGNE

ASTON FRANCIS PALICTE

CHARLY SUAREZ

CHINA OPEN

CHO CHENG YU

DMITRY POLYANSKY

GERSON NIETES

GUIZHOU PROVINCE

HONG KONG

IDYAZ SULAY-MINOV

LOPEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with