^

PSN Palaro

Nash tinulungan ang Phoenix sa pagsikwat ng playoff berth

-

CHICAGO - Humugot si Steve Nash ng pito sa kanyang 22 points sa hu­ling dalawang minuto para tulungan ang Phoenix Suns sa 111-105 paggupo sa Chicago Bulls at sikwatin ang isang National Basketball Association playoff berth.

Tumipa naman si Jason Richardson ng 27 marka at isinalpak ni Channing Frye ang isang krusyal na three-pointer sa natitirang 41.6 segundo para sa pang walong sunod na panalo ng Suns.

Nagtala rin si Nash ng 10 assists, habang umiskor naman ng 21 si Amare Stoudemire.

Naglaro si Nash sa kabila ng lagnat at sumasakit na likuran.

“If I’m honest, I was taking so many meds for my back and cold that I actually felt a little loopy for most of the game,” wika ni Nash.

Naglista naman sina Flip Murray at Derrick Rose ng tig-23 points para sa Chicago, kaagaw ang Toronto para sa eight playoff spot sa Eastern Conference.

Isang pasa ni Nash kay Grant Hill para sa dunk nito sa huling 23 segundo ang nagbigay sa Suns ng tatlong puntos na abante kasunod ang dalawang freethrows ng Canadian pointguard makaraan ang mintis na tres ni Rose para sa Bulls.

Bago ito, isang 10-0 atake ang ginawa ng Phoenix, tampok rito ang isang three-point play ni Stoudemire kay James Johnson, patungo sa kanilang 12-point lead.

Ang dalawang tres ni Jannero Pargo at isa ni Murray ang nagpasiklab sa 13-2 ratsada ng Chicago para kunin ang 84-81 lamang sa third period.

vuukle comment

AMARE STOUDEMIRE

CHANNING FRYE

CHICAGO BULLS

DERRICK ROSE

EASTERN CONFERENCE

FLIP MURRAY

GRANT HILL

IF I

JAMES JOHNSON

JANNERO PARGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with