^

PSN Palaro

'Iba ang pulitika sa boksing' - Pacman

-

MANILA, Philippines - Bagamat hindi siya isang bihasang pulitiko, alam naman ni Filipino Man­ny Pacquiao ang pagkakaiba nito sa boksing.

Ito ang sinabi kahapon ng world seven-division champion sa kanyang pag­dalaw sa Malacañang para sa kanyang pang 16th courtesy call kay Pa­ngulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“Huwag nating i-connect ang boxing sa pulitika. Kasi ang boxing para sa karangalan ng buong ba­yan ang pulitika tungkol na­man sa pagseserbisyo sa mga kababayan mo,” ani Pacquiao.

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport si Pacquiao at ang asa­wang si Jinkee mula sa Los Angeles, California at sinalubong ng mga anak na sina Princess, Jimuel at Michael at ang ama-ama­hang si Lito Atienza.

Matapos ito ay dumiretso ang convoy sa New World Hotel sa Makati pa­ra makapagpahinga ka­sunod ang pagdinig sa isang Thanksgiving Mass sa Quiapo Church.

Nanggaling ang 31-an­yos na si Pacquiao sa isang unanimous decision win laban kay Joshua Clot­tey ng Ghana para sa una niyang pagdedepensa sa suot na World Bo­xing Organization (WBO) welterweight crown sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Makaraan ang natu­rang tagumpay, pipilitin na­man ni Pacquiao na ma­nalo laban kay Roy Choingbian para sa Congressional seat ng Sarangani.

“Gusto ko kasing mag­serbisyo sa mga ka­ba­bayan ko dahil sa biyaya na ibinigay sa akin ng Mahal na Panginoon ay makaganti man lang ako sa pamamagitan ng pag­tulong,” sabi ng tubong General Santos City.

Natalo si Pacquiao kay incumbent Rep. Darlene Custodio-Antonino para sa Congressional post ng General Santos City no­ong 2007.

“Sa tingin ko naman malaki ang maitutulong ko. Naging leader ako sa ilang lugar,” ani Pacquiao. “Makikita natin kung sino talaga ang may puso na tumulong. Ang pagtulong ay hindi lang ito pagali­ngan ng pag-i-english. Ang importante hands-on ka doon. Makatulong ka sa mga kababayan mo.”

Sa kanyang motorcade, nilibot ni Pacquiao ang mga kalsada ng Le­garda, Bustillos, Sampaloc Market, S.H. Loyola, Trabaho Market, Plaza Noli, Ma­timyas, Blumentritt, Da­pitan, Lacson, Yuseco, Raxabago, Juan Luna, Pri­til, Moriones, R 10, Zaragoza, Delpan, Anda Circle, Cabildo, Victoria, Gen. Luna, Maria Orosa, T. M. Kalaw, Taft Avenue, Pedro Gil, Paco Market at Sta. Ana Market. (RC)

ANA MARKET

ANDA CIRCLE

COWBOYS STADIUM

DARLENE CUSTODIO-ANTONINO

FILIPINO MAN

GENERAL SANTOS CITY

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JOSHUA CLOT

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with