^

PSN Palaro

Jankovic umusad sa Indian Wells finals vs Wozniacki

-

INDIAN WELLS, California--Ginapi ni Jelena Jankovic si Samanta Stosur, 6-2, 6-4 nitong Biyernes upang maka­rating sa women’s final ng BNP Paribas Open kung sa­­an makakasagupa niya ang Danish teenager na si Ca­roline Wozniacki.

Pinatalsik naman ni Wozniacki ang fifth-seeded na si Agnieszka Radwanska ng Poland, 6-2, 6-3, at ang panalong ito ang mag-aangat sa kanyang world rankings mula sa No. 2 sa susunod na linggo.

“I’ve done a lot of good results,” wika ni Wozniacki. “The ranking is just a bonus.”

Sisikapin naman ni Jankovic na maipanalo ang kanyang unang korona sa loob ng pitong buwan sa Linggo. Ito naman ang pinakamalaking final appearance ni Wozniacki mula ng matalo noong nakaraang taon sa U.S. Open kay Kim Clijsters.

Samantala, umusad din si Andy Roddick sa men’s semifinals sa bisa ng 6-3, 7-5 panalo laban sa 18th-see­ded na si Tommy Robredo ng Spain, na nabigo naman sa American sa ika-11th sunod na pagkakataon.

Susunod na makakapaluan ni Roddick ang No. 6 na si Robin Soderling matapos na gapiin ng Swede ang No. 4 seed na si Andy Murray ng Britain, 6-1, 7-6 (4).

AGNIESZKA RADWANSKA

ANDY MURRAY

ANDY RODDICK

JELENA JANKOVIC

KIM CLIJSTERS

PARIBAS OPEN

ROBIN SODERLING

SAMANTA STOSUR

TOMMY ROBREDO

WOZNIACKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with