^

PSN Palaro

Ginebra import nanganganib mapauwi

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Umiskor lamang si Arvee Storey ng 22 puntos sa kanyang unang laro para sa Barangay Ginebra sa ka­nilang practice game ng Rain Or Shine kahapon.

Ayon kay head coach Jong Uichico, hindi pa siya basta-basta magdede­sisyon kung agad na pauuwiin ang dating kakampi ng kontrobersyal na si Gilbert Arenas sa Washington Wi­zards.

“I will not make any assesment right now kasi first game pa lang naman niya ito for Ginebra,” wika ni Uichico sa panayam ka­hapon ni Snow Badua sa NBN Sports.

Tinalo ng Elasto Pain­ters, muling ibinandera ang bigating si Jai Lewis, ang Gin Kings, 101-97.

Sa nakaraang PBA Fies­ta Conference, natalo ang Ginebra sa nagkam­peong San Miguel, muling ipaparada si Best Import Ga­be Freeman, sa kani­lang championship series.

Kumpiyansa si Uichico na makakatulong ang 6-foot-6 na si Storey sa kam­panya ng Gin Kings sa darating na 2009-2010 PBA Fiesta Conference na magsisimula sa Marso 21.

“He’s an all-around pla­yer. He will help us in the­ dif­ferent aspects of the game,” sambit ni Uichico kay Storey, hindi nakuha sa 2002 NBA Draft kaya naglaro sa Venezuela at South Korea.

Samantala, inamin ni Coca-Cola mentor Bo Pe­rasol na walang nababanggit sa kanya si import James Penny na maglalaro sa ibang bansa matapos makipag-ensayo sa Tigers ng dalawang sunod na araw.

Ang iba pang may mga reinforcements na ay ang Talk ‘N Text (Eric Hicks), Air21 (Leroy Hickerson), Alaska (Diamon Simpson) at Sta. Lucia (Anthony Johnson).

ANTHONY JOHNSON

ARVEE STOREY

BARANGAY GINEBRA

BEST IMPORT GA

BO PE

DIAMON SIMPSON

ELASTO PAIN

GIN KINGS

SHY

UICHICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with