^

PSN Palaro

Freethrows ni Aquino gumiba sa Transformers

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Sa kabila ng malamyang fieldgoal shooting, isinalpak naman ni Jimbo Aquino ang mahahalagang freethrows sa final canto para igiya ang 25ers sa kanilang pangatlong sunod na panalo.

Tumipa si Aquino ng 21 puntos, tampok rito ang 10-of-10 clip sa freethrow line, para sa 83-75 panalo ng Excelroof sa AddMix sa 2010 PBL PG Flex-Erase Placenta Cup ka­hapon saYnares Sports Are­na sa Pasig City.

Humakot naman ang 6-foot-6 slotman na si Ian Sangalang ng 14 marka at 13 rebounds para sa 25ers ni coach Ato Agustin.

Nakatabla ng Excelroof para sa liderato ang Cossack Blue mula sa mag­kapareho nilang 3-0 rekord kasunod ang Pharex B Complex (3-1), Cobra Ener­gy Drink (2-1), AddMix (1-3), Fern-C (1-3), Ascof Lagundi (1-3) at Agri-FCA (0-3).

“Dito namin makikita kung ano ‘yung team ko ngayon, kung capable kami na maging title contender or kung pang-top four lang,” wika ni Agustin sa kanyang 25ers, binubuo ng mga   San Sebastian Stags na nagkampeon sa 85th NCAA season.

Nakalapit ang mga Trans­formers ni mentor Leo Austria sa 68-71 agwat bago ang pagbibida nina Aquino at Sangalang upang tuluyan nang sel­yuhan ang tagumpay ng 25ers.

Sa unang laro, kuma­yod si NCAA Most Valuable Player (MVP) John Wilson ng 29 marka upang ibigay sa Ferntastics ang 81-78 tagumpay laban sa Cultivators.

Maliban kay Wilson, naging susi rin sa panalo ng Fern-C ni Bal David ang mahalagang three-point shot ni Anthony Espiritu para sa kanilang 80-78 lamang sa Agri-FCA.

Ito ang kauna-unahang panalo ni David bilang isang head coach.

“Ite-treasure ko tong laro na to dahil first win ko as a coach. Kung pupwede lang makahingi ng kopya ng game na ‘to, hihingi ako,” ani David, halos 10 taon na naglaro para sa Ginebra na nagresulta sa kanilang tatlong PBA titles noong1997, 2004 at 2005.

Nagdagdag naman ang dating UST forward na si June Dizon galing sa kanyang 15 marka at 3 rebounds kasunod ang 11 produksyon ni Jun Tanuan.

AGRI

ANTHONY ESPIRITU

AQUINO

ASCOF LAGUNDI

ATO AGUSTIN

BAL DAVID

COBRA ENER

COSSACK BLUE

EXCELROOF

FERN-C

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with