^

PSN Palaro

Russian GM piniga ni So, Laylo talo uli

-

MOSCOW, Russia -- Mula sa isang draw, nagsulong naman si Filipino Grand master Wesley So ng panalo laban kay GM Dmitry Bocharov (ELO 2594) ng Russia sa second round ng 2010 Aeroflot Open chess championship dito sa Ho­tel Gamma-Delta ng Ismailovo Tourist Com­­plex.

Binuksan ng 16-anyos na si So ang kanyang kampanya sa pamamagitan ng isang draw kay GM Ehsan Ghaem Maghami ng Iran sa opening round.

Tinapos naman ni So ang kanyang laban kay Bocharov sa 32 moves ng Sicilian Defense Taimanov variation.

Sinamantala ni So, tinanghal na top junior player noong nakaraang taon, ang pag­kakamali ng Russian sa 29th move kasunod ang kanyang tatlong sunod na ratsada.

Sa kabila ng pagkakagahol sa oras, nagawa pa rin ni So na ikilos ang kanyang queen, dalawang bishops at kingside pawns papunta sa king ni Bocharov.

Ang pag-angkin ni Bocharov sa pawn ni So sa f4 sa 29th move ang nagbigay kay So ng kontrol.

Ang naturang panalo ang nagbigay kay So ng 1.5 points para makatabla sa third hanggang 32nd places sa nasabing 80-player tournament na may guaranteed prize fund na 70,000 euro.

Nasa ilalim si So nina GM Bu Xiang Zhi ng China at GM Le Quang Liem ng Vietnam na may 2.0 points.

Natikman naman ni GM Darwin Laylo ang kanyang ikalawang sunod na ka­biguan nang yumukod kay dating world junior campaigner GM Eltaj Safarli ng Azerbaijan. 

vuukle comment

BOCHAROV

BU XIANG ZHI

DARWIN LAYLO

DMITRY BOCHAROV

EHSAN GHAEM MAGHAMI

ELTAJ SAFARLI

FILIPINO GRAND

ISMAILOVO TOURIST COM

LE QUANG LIEM

SICILIAN DEFENSE TAIMANOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with