^

PSN Palaro

Ascof-Lagundi pinalakas ang kampanya ng pinagsamang beterano, rookie cagers

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Walong mga datihan nang manlalaro at pitong mga baguhan.

Ito ang magiging komposisyon ng Ascof-Lagundi, dating Pharex, sa kanilang kampanya sa 2010 PBL PG Flex-Erase Pla­centa Cup.

“I have eight holdovers of last year’s team and at least se­ven new faces, so we’re still trying to fit each one to our basketball system,” ani coach Carlo Tan. “Hopefully, things will run smoothly in time for the opener.”

Makakatapat ng Ascof-Lagundi ang Excel Roof sa ganap na alas-2 ng hapon kasunod ang salpukan ng Fern-C at Cos­­sack Blue sa alas-4 sa pagbubukas ng torneo sa Martes sa The Arena sa San Juan.

Nabigo ang Pharex ni Tan sa Oracle Residences sa kani­lang best-of-three championship series noong nakaraang taon.

Ipaparada naman ng Excel Roof ni Ato Agustin ang mga Stags ng San Sebastian College-Recoletos na pinamumunuan nina Jimbo Aquino at Calvin Abueva kasama si Fil-Am Josh Vanlandingham. 

“They have what it takes to challenge everybody and they are fresh from winning the NCAA crown, so it’s a plus factor for them,” wika ni Tan sa Excel Roof ni Agustin.

Tinalo ng Stags ang three-peat champions San Beda Red Lions sa championship series ng 85th NCAA basketball tournament.

Sa ikalawang laro, itatampok ng Cossack sina University of the East Red Warriors James Martinez, Raffy Reyes, Paul Za­mar, Erwin Duran, JM Noble at Gino Etrone.

Ipaparada naman ng Fern-C, gigiyahan ni dating Gi­nebra pointguard Bal David, si 2009 NCAA Most Valuable Pla­yer John Wilson.

Si Wilson ang naging kamador ng Jose Rizal University Heavy Bombers ni Ariel Vanguardia sa nakaraang 72nd UAAP men’s basketball tournament.

Magtatagpo sa Huwebes ang Cobra Energy Drink, ibabandera sina Paul Lee ng UE at Erick Salamat at Jai Reyes ng Ateneo De Manila University at ang AddMix-Adamson, habang maghaharap ang Pharex-B at Agri Nurture.

Sina Salamat at Reyes ang naging sandata ng Blue Eagles sa paggupo sa Red Warriors, pinangunahan nina Lee, Zamar, Reyes at Elmer Espiritu, sa championship series ng 72nd UAAP men’s basketball tournament.

Maliban kina Salamat at Reyes, naging susi rin sa back-to-back championship ng Ateneo ni Norman Black sina Ra­beh Al-Hussaini, Nonoy Baclao at Nico Salva.

Bago ang nakatakdang la­ro, magkakaroon muna ng simpleng seremonya.

AGRI NURTURE

ARIEL VANGUARDIA

ASCOF-LAGUNDI

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

ATO AGUSTIN

BAL DAVID

BLUE EAGLES

EXCEL ROOF

REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with