^

PSN Palaro

Lakers pinigil ng Nuggets

-

LOS ANGELES -- Umis­kor si Chauncey Billups ng career-high 39 points, kasama rito ang siyam na 3-pointers, upang ibigay sa Denver Nuggets ang 126-113 tagumpay kontra Los Angeles Lakers dito.

Tinapos ng Nuggets ang itinayong eight-game home winning streak ng Lakers.

May 12-of-20 fieldgoals si Billups bukod pa ang 9-of-13 mula sa 3-point range at 6-of-8 clip sa free­throw line.

Naglaro ang Nuggets na wala si Carmelo Anthony sa pang pitong sunod na pagkakataon bunga ng sprained left ankle nito.

“You’ve always got to be confident. There’s a lot of people that can say it, but until you can do it, you’ve got to get that confidence from the right place,” ani Billups. “They’re the world champs. But we feel that we can compete with them.”

Tumipa si Billups ng 21 points sa third quarter na pinakamarami na matapos ang 23 ni Wilt Chamberlain ng Philadelphia 76ers noong Pebrero ng 1966.

Nagtala naman si Kobe Bryant ng 33 points para sa Lakers sa kabila ng ankle injury.

Sa Atlanta, inilista ni Josh Smith ang kanyang ikalawang career triple-double nang talunin ng Atlanta Hawks ang Chicago Bulls, 91-81.

Gumawa si Smith ng 18 puntos, 14 rebounds at 10 assists para sa Hawks.

Sa iba pang resulta, nanalo ang Houston Ro­ckets sa Memphis Grizzlies, 101-83; Washington Wizards sa Orlando Magic, 92-91; Phoenix Suns sa Sa­cramento Kings, 114-102; Philadelphia 76ers sa New Orleans Hornets, 101-94 at Indiana Pa­cers sa Detroit Pistons, 107-83.

ATLANTA HAWKS

BILLUPS

CARMELO ANTHONY

CHAUNCEY BILLUPS

CHICAGO BULLS

DENVER NUGGETS

DETROIT PISTONS

HOUSTON RO

INDIANA PA

JOSH SMITH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with