CSA, 3 iba pa may 2 panalo sa WVL
MANILA, Philippines - Pawang naglista ng tig-2 panalo ang Colegio San Agustin, St. Scholastica’s College A, Christian High School at Assumption Antipolo nitong Linggo upang iparamdam ang kani-kanilang dominasyon sa grupo sa multi-level 14th Women’s Volleyball League sa Saint Pedro Poveda College gym sa may EDSA.
Hiniya ng CSA girls ang School Of St. Anthony, 25-6, 25-7 at ang Saint Pedro Poveda, 25-8, 25-10 upang makatabla ang Miriam College sa top spot sa elementary (competitive) level sa 2-0 win-loss slate.
Pinayukod naman ng St. Scho’s spikers ang Angelicum College, 14-25, 25-21, 21-19 bago tinalo ang St. Theresa’s College, 25-11, 25-15 upang pagandahin ang kanilang record sa 3-0 at makasalo sa Group A high school (competitive) sa pangunguna ang San Antonio de Padua College na nagtala ng 25-12, 15-14 panalo laban sa St. Theresa.
Inilista rin ng Hope Christian ang 3-0 sa Group B sa nasabi ring divisiuon matapos na igupo ang San Beda College Alabang, 25-15, 25-13 at CSA, 25-21, 25-14, habang nakuha ng Assumption Antipolo ang Group C lead sa high school (developmental) lead sa 3-1 nang manaig sa Saint Paul College Makati, 25-13, 18-25, 25-22 at sa O.B. Montessori, 25-7, 25-9.
- Latest
- Trending



















