Suns nilapa ng Bobcats sa overtime
PHOENIX--Umiskor si Stephen Jackson ng 30 points upang tulungan ang Charlotte Bobcats sa 114-109 overtime win sa Phoenix Suns kahapon.
Ito ang unang panalo ng Charlotte sa Phoenix sa kanilang anim na taon sa NBA.
“All teams in the league play better at home. We were playing catch-up all game, but on the road you have to find a way to hang around and pull it out at the end,” wika ni Jackson.
Isinalpak ni Jackson, itinabla ang Bobcats sa 98-98 mula sa kanyang 3-pointer sa huling 19.9 segundo sa fourth quarter, ang isang 20-foot jump shot sa kanilang unang posesyon sa overtime.
Humugot naman si Raymond Felton ng anim sa kanyang 17 points sa overtime para ibigay sa Charlotte ang isang six-point lead laban sa Phoenix.
Pinangunahan ni Steve Nash ang Suns mula sakanyang 23 points at 9 assists.
Ang dating Suns power forward na si Boris Diaw ay humakot ng 24 points para sa Bobcats, samantalang may 21 naman si Gerald Wallace.
Sa Washington, nagsanib ng lakas sina Kobe Bryant at Pau Gasol sa pagpitas ng tig-26 puntos upang imando ang Los Angeles Lakers sa 115-103 panalo laban sa Wizards.
Sa iba pang laro, tinalo ng New York ang Minnesota sa iskor na 132-105.
- Latest
- Trending