^

PSN Palaro

Gilas jersey ni Fajardo isinabit na

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Gilas jersey ni Fajardo isinabit na
June Mar “The Kra­ken” Fajardo

MANILA, Philippines — Nag-retiro na sa Gilas Pilipinas si June Mar “The Kra­ken” Fajardo upang opisyal na wakasan ang kabanata ng original national team na nagtala ng kasaysayan para sa bansa noong 2013.

Si Fajardo ang huling manlalaro na bahagi ng 2013 FIBA Asia Championship team ng Gilas na nagwagi ng silver medal upang makapasok sa 2024 FIBA World Cup sa Spain, kasunod ng retirement ng twin tower partner niyang si Japeth Aguilar noong nakaraang taon.

At sa pambihirang tadhana, kontra sa Iran din ang naging finals noong 2013 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City bagama’t natalo ang Gilas, 85-71.

Ngayon, wagi ang Gilas, 68-56, para sa 2-0 sweep ng Window 4 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers at para kay Fajardo ay ito ang perpektong pagkakataon upang isabit ang kanyang No. 15 Gilas jersey.

“Maraming salamat sa fans, sa lahat ng sumusuporta sa akin, sa lahat ng fans na nagpunta talaga dito para suportahan kami, maraming salamat sa inyo. Sana ipagpatuloy n’yo pa ‘yung pagsuporta sa national team” ani Fajardo na naglista ng 6 puntos at 2 rebounds sa naturang aksyon.

Bilang pagpupugay sa 36-anyos na sentro at 9-time MVP ng PBA, ibinigay ng Gilas players at coaching staff ang game ball kay Fajardo sa centercourt tampok ang  “M-V-P” chants ng Gilas crowd.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with