^

PSN Palaro

Barriga, Jalnaiz binugbog ang kalaban sa Smart-ABAP National Open

-

PUERTO PRINCESA CI­TY, Philippines - Isang three-time gold me­dalist Palarong Pambansa at anak ng dating Olympian ang umagaw ng pansin sa ope­ning day ng 2010 Smart-ABAP National Boxing Championship nitong Lunes ng gabi sa Puerto Princesa Coliseum dito.

Umiskor si Mark Anthony Bar­riga ng Panabo City ng im­presibong panalo laban kay Arjay Aguilar ng Bicol, 23-1 upang umusad sa quarterfinals ng junior boy’s pinweight category ng prestihiyosong five-day tournament na ito na nakataya ang kabuuang 14 slots para sa national youth squad.

Pinaulanan ng 16-anyos na si Barriga, first-year commerce student mula sa Panabo College, dinomina ang nakaraang tatlong edisyon ng Palarong Pam­bansa, ang kalabang si Aguilar ng mga suntok sa ulo at katawan sa simula pa lang ng opening bell tungo sa kanyang lopsided na panalo na nagpahanga sa mga national coaches na sina Pat Gaspi, Ro­meo Brin, Roel Velasco at Boy Catolico.

Ang apat na nabanggit na coaches ay pawang nasa si­de­lines upang mag-scout ng po­tential talents na isasabak sa 2010 Singapore Youth Olympics sa Agosto.

“Gusto ko talaga siyang ma-knock out para mapasama ako sa RP (youth) team,” wika ni Barriga. “Pero mahaba pa ‘yan. Madami pang pwedeng mangyari.”

 Ang isa pang nagpasikat ay ang anak ng 1992 Barcelona Olympian na si Roberto Jalnaiz na kumatawan naman sa Misamis Oriental sa ilalim ni Gov. Oscar Moreno.

Humatak ang 10-anyos na si Rafael Jalnaiz ng 11-5 de­cision laban kay Kent Jasper Fuentes ng Palawan sa kids’ vacuum weight category, habang ang kanyang nakaka­tandang kapatid--ang 12-anyos na si Robert Miguel ay niyanig naman si Jeffrey Stella ng Mandaue City, 13-3 sa kids’ ant weight category.

 “Araw-araw ang ensayo ng mga batang iyan. Tinututukan ko talaga sila dahil alam kong madaming malalakas (na kalaban) dito,” wika naman ni Jalnaiz, na nag-iisang Filipino gold medalist sa 1990 Beijing Asian Games.

Ang iba pang nanalo ay sina Michael Joerge Codilla, na na­naig kay Joseph Orevello, 10-9, Justine Carl Fajardo ng Puerto Princesa A, na pinigil si Jake Ta­bares ng Caloocan sa second round at Romer Dagoy ng Zamboanga, tinalo si Dave Luna ng Puerto Princesa C, 13-11.  

ARJAY AGUILAR

BARCELONA OLYMPIAN

BARRIGA

BEIJING ASIAN GAMES

BOY CATOLICO

DAVE LUNA

JAKE TA

JEFFREY STELLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with