^

PSN Palaro

Smart Gilas 'di nakayanan ang malalaking tao ng Syria

-

DUBAI--Nagpamalas ng magandang laban ang Smart Gilas Pilipinas ng im­pre­sibong performance sa li­kod ng pagkawala ni natura­li­zation candidate Jamal Samp­son ngunit hindi nila ma­limitahan si Al Jalaa ng Syria na talagang namang nagtatangkaran at lumasap ng 76-90 pagkatalo sa pagsisimula ng import-laced Du­bai Invitational dito.

Sa harap ng libong Filipino crowd sa Al-Ahli Sports Complex, si JV Casio ang, lu­maro ng kanyang ikala­wang game pa lamang sa­pul nang mabukulan sa isang exhibition game kontra sa Alaska, ang nagdala ng team sa pagkamada ng 23-points.

Ngunit ang pagkawala ng 6’11 former NBA veteran na si Sampson, na nasa lis­­ta­han ng RP para sa na­­­turalization na inaasa­hang magbibigay ng inside muscle, pero hindi nakayanan ng mga Pinoy ang malala­king Syrians, na may tatlong American reinforcements.

Sinikap nina Filipino-Ame­rican Marcio Lassiter, Mac Baracael, Japeth Aguilar at Jason Ballesteros na ibangon ang Pinoy Team sa pagkamada ng 11, 11, 10 at 10 points, ayon sa pagka­ka­sunod, ngunit sadyang na­pakalaking kawalan si Sampson.

Inaangal ni Sampson ang pananakit ng tuhod ka­ya hindi na ito nakisali sa pre-game warm up.

“It’s always very difficult for us to play this game because all these teams, they have three Americans,” sabi ng Serbian coach ng RP na si Rajko Toroman. “We pla­yed without Sampson and it shocked us in the be­ginning.

“This competition, if we play without a big guy, we will not do too much,” dag­dag nito.

Nabigla ang Smart Gilas sa ora-oradang desisyon ni Sampson na hindi maglaro kaya maaga silang nabaon sa 0-13 deficit sa simula ng laro.

Hindi naman basta-basta sumuko ang mga Pinoy nang sunud-sunod ang dakdak Aguilar para maiahon ang Smart Gilas. Pagkatapos ng magkasunod na tres ni­na Chris Tiu at Ba­racael na­itabla nila ang iskor sa 29-all sa kalagitnaan ng se­cond quarter.

Ngunit ito na ang huling hirit ng Pinoy na tumapos ng quarter sa 14-5 exchange para kunin ang 43-34 lead bago umatake ang Syrians sa third canto at lumayo ng hanggang 26 points ng dalawang beses, ang huli ay sa 74-48 sa pagtatapos ng nasabing yugto na hindi na nakayanan pang habulin ng mga Pinoy.

vuukle comment

AL JALAA

AL-AHLI SPORTS COMPLEX

CHRIS TIU

JAMAL SAMP

JAPETH AGUILAR

JASON BALLESTEROS

PINOY

SAMPSON

SHY

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with