^

PSN Palaro

Williams umusad sa quarterfinals

-

SYDNEY--Binuksan ng top-ranked na si Serena Williams ang kanyang kampanya sa season sa pamamagitan ng 6-1, 6-2 panalo laban kay Maria Jose Martinez Sanchez nitong Martes at makarating sa quarterfinal ng Sydney International kung saan ang iba pang mga bumabanderang manlalaro ay pawang nadiskaril.

Nasibak ang No. 3 na si Svetlana Kuznetsova, 7-5, 6-2 kay Dominika Cibulkova ng Slovakia nitong Martes at nakasamang nagbakasyon sina No. 7 Jelena Jankovic at No. 8 Vera Zvonareva sa unang dalawang rounds.

Naharap rin ang second-seeded na si Dinara Safina sa trouble sa first set mula ng mag-quit ito sanhi ng kanyang injury sa likod sa season-ending championships noong October, ng matalo sa opening five games bago nagawang makabangon at mapagwagian ang siyam na dikit na games tungo sa 7-5, 6-4 panalo laban kay Agnieszka Radwanska ng Poland.

Susunod na makakasagupa ni Safina ay ang Olympic gold medalist na si Elena Dementieva na nakaligtas kay Daniela Hantuchova ng Slovakia, 6-2, 4-6, 6-2.

Ginapi ng sixth-seeded na si Victoria Azarenka ng Belarus ang Japanese veteran na si Kimiko Date Krumm, 6-1, 5-7, 7-5.

Natalo naman si Elena Vesnina, na umusad sa first round matapos na magretiro si Zvonareva nitong Lunes, sa kalabang si Vera Dushevina, 6-3, 6-4 nitong Martes kung saan makakasagupa niya si Williams sa quarterfinals.

Sinabi ni Williams na hindi siya nag-aalala kung ilan ang seeded players na napatalsik na o kung papaano binuksan ang draw.

“I don’t care who I play. Whenever I play someone they played their best,” ani Williams.

vuukle comment

AGNIESZKA RADWANSKA

DANIELA HANTUCHOVA

DINARA SAFINA

DOMINIKA CIBULKOVA

ELENA DEMENTIEVA

ELENA VESNINA

JELENA JANKOVIC

JOSE MARTINEZ SANCHEZ

KIMIKO DATE KRUMM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with