^

PSN Palaro

Pacquiao, Athlete of the Decade

-

MANILA, Philippines - Sa unang araw na nakatrabaho ni Freddie Roach si Manny Pacquiao may 9 na taon na ang nakalilipas, hindi pinagdudahan nito na magiging kampeon ito sa hinaharap.

Ang hindi niya inaasahan ay kung paano si Pacquiao naging isang mahusay na boksingero.

“I didn’t see this coming,” paggunita ni Roach, nang una silang magkita noong 2001 sa Wild Card gym sa Los Angeles. “I never thought he’ll be this great.”

At gayundin tayo.

Ngunit ang isang tulad ni Pacquiao na dating bread vendor at construction worker at naihubog sa isang boxing superstar nang pabagsakin nito sa pamamagitan ng 6th round technical knockout kontra sa kinakatakutang si South African Lehlo Ledwaba upang mapagwagian ang International Boxing Federation (IBF) super-bantamweight title.

At iyon na ang simula ng ng pag-akyat ni Pacquiao sa tuktok.

Maraming pinagdaanan si Pacquiao mula sa patpating 17 anyos na teener hanggang sa kasalukuyan kung saan maraming pagsubok ang kanyang na-lagpasan.

At bunga nito, hindi ipagkakait ng Philippine Sportswriters Association ang isang tagumpay sa paggawad sa kanya ng Athlete of the Decade sa traditional annual awards night sa Marso 1 sa Manila Hotel.

Napili na ring PSA Athlete the Year si Pacquiao ng limang beses - mula 2002 - 2004, at 2006 at 2008.

Kaya nga iniluklok na ito sa Hall of Fame noong nakaraang taon at hindi na siya pwedeng parangalan bilang Athlete of the Year pero mananatiling sa listahan ng malaking bahagi ng mga pangunahing sports achievers sa loob ng pagi-ging Hall of Famer sa unang sampong taon.

At sa dekadang iyon, nakita ng Philippine sports sina Jennifer Rosales at Dorothy Delasin na umiskor ng panalo sa LPGA Tour, naghari si CJ Suarez sa World Cup, napagwagian ng Team Philippines ang makasaysayan at kauna-unahang overall title sa Southeast Asian Games, tinanghal na Best Male Athlete sa SEAG si Miguel Molina at naghari si Ronnie Alcano bilang double world champion sa billiards.

Ngunit wala pa ring nakalapit sa naging achievement ni Pacquiao.             

vuukle comment

ATHLETE OF THE DECADE

ATHLETE OF THE YEAR

ATHLETE THE YEAR

BEST MALE ATHLETE

DOROTHY DELASIN

FREDDIE ROACH

HALL OF FAME

HALL OF FAMER

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with