No. 1 pa rin ang PWU sa standing
MANILA, Philippines - Inagaw ng defending basketball champion na Philippine Women’s University ang No. 1 spot bagamat natalo ito sa final elimination round sa pamamagitan ng default sa 8th Women’s Colleges Sports Association (WCSA) kamakailan.
Tinalo ng PWU ang La Consolacion College-Manila, St. Scholastica’s College at Assumption College ng magkakasunod bago yumuko sa Miriam College noong Dec. 6 dahil sa walang coaching staff.
Ito naman ang natatanging panalo ng Miriam sa apat na laro ngunit nabigo pa ring umusad sa susunod na round.
Nagwakas ang elimination round noong December 13 kung saan tinalo ng La Consolacion ang Miriam, 50-41 at at nanaig ang St. Scholastica sa Assumption, 59-39 sa SSC gym. Maliban sa Miriam, lahat ng tatlong koponan ay nagtapos ng may 2-2 win-loss slates.
Sa employees division, dinaig ng La Consolacion ang PWU, 82-74, para makatabla sa kanilang biktima sa liderato sa 2-1.
Ang Final Four round ng varsity basketball ay ilalaro sa Enero 10.
Samantala, nasa tuktok pa rin ang defending volleyball champion Miriam nang pabagsakin nito ang La Consolacion, 25-18-, 25-15, 25-23. Wala pa ring talo ang St. Scholastica matapos ang dalawang laro sa employees section na ang Assumption ang huling biktima, 25-16, 25-15.
- Latest
- Trending