^

PSN Palaro

So may pinatunayan kay Ivanchuk

-

KHANTY-Mansiysk, Russia --Ipinagpatuloy ni GM Wesley So ng Philippines ang kanyang kampan-ya matapos na biktimahin ang dating world championship contender super GM na si Vassily Ivanchuk ng Ukraine, 1.5-.5 sa kanilang second round showdown at umusad sa third round ng 2009 World Chess Cup sa Khanty-Mansiysk Center of Arts dito nitong Miyerkules.

Nakipaglaban si So ng pigaan ng utak sa sixth-seeded na si Ivanchuk (ELO 2739) sa isang draw sa kanilang ikalawang pag-haharap sa prestihiysong competition na ito na inilalalaro sa Western Siberian town na inihalintulad matapos ang world-famous Scandinavian resorts.

Subalit napasakamay ng 16-anyos na Filipino champion mula sa Bacoor, Cavite ang suwerte at nagawa niyang igupo si Ivanchuk upang isaayos ang isa pa niyang pakikipag-harap sa kapwa child prodigy GM na si Gata Kamsky ng Amerika sa round-of-32 simula ngayon.

Ang Russian-born na si Kamsky ang nasabi ring manlalaro na nagpatalsik sa isa pang Pinoy GM na si Rogelio Antonio, Jr. sa first round at GM Zhou Weiqi ng China sa second round.

Ang upset na panalo na ito ni So, ang posibleng maglagay sa kanya sa kasaysayan bilang kauna-unahang Filipino player na nakarating sa thirtd round.

Nalampasan ni So ang nagawa nina Antonio at GM Mark Paragua, na nakara-ting sa second round ng World Cup.

ANG RUSSIAN

GATA KAMSKY

IVANCHUK

KHANTY-MANSIYSK CENTER OF ARTS

MARK PARAGUA

ROGELIO ANTONIO

ROUND

VASSILY IVANCHUK

WESLEY SO

WESTERN SIBERIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with