^

PSN Palaro

So, Antonio at Laylo sasabak sa World Cup

-

MANILA, Philippines - Umalis kahapon sina GMs Wesley So, Joey Antonio at Darwin Laylo para makipagtunggali sa mga pinakamahuhusay na players sa mundo sa World Chess Cup na magsisimula bukas sa Khnaty-Mansiysk, Russia.

Si So, ang highest-rated chess player ng bansa ay makikipagtipan kay GM Gadir Gueseinov ng Azerbaijan sa kanyang pagbubukas ng kampanya.

Makakalaban naman nina Antonio at Laylo ang mga may karanasan ng higher-rated na kalaban na sina American No. 27 Gata Kamsky at No. 21 GM David Navara ng Czech Republic, ayon sa pagkakasunod.

Si Kamsky ay isa sa natatanging tatlong players na seeded sa torneong ito bunga ng kanyang partisipasyon sa 2007 World Cup.

Tulad ni Gusienov, nakakuha din ng slot si Navara sa World Cup sa pamamagitan naman ng European Championships.

AMERICAN NO

CZECH REPUBLIC

DARWIN LAYLO

DAVID NAVARA

EUROPEAN CHAMPIONSHIPS

GADIR GUESEINOV

GATA KAMSKY

JOEY ANTONIO

SI KAMSKY

SI SO

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with