^

PSN Palaro

SALUDO KAMI SA IYO MANNY!

SPORTS - Dina Marie Villena -

Hindi lang Pilipinas ang nagbunyi kahapon kundi ang buong mundo sa pagkapanalo ni Manny Pacquiao.

Eh bakit naman hindi eh natatangi ang kanyang ginawa dahil isang kasaysayan ang kanyang isinulat sa libro ng boxing.

Grabe ang pagtanggap ng buong mundo sa panalo ni Pacquiao, ang bagong WBO welterweight champion, na kanyang ikapito sa iba’t ibang weight class.

Sinong Pilipino ang hindi manghihilakbot sa impresibong ginawa ni Manny?

Bagamat noong unang round, natakot ako sa sinasabi ng announcer na nagkokober sa radio kung saan ako nakikinig.

Aba eh panay daw ang tama ng suntok ni Miguel Cotto sa Pambansang Kamao.

Ha ha ha!

Yun pala naman eh hindi rin tatagal ang Puerto Rican dahil hayun sa mga sumunod na round makaraang humalik sa lona si Cotto, eh nagsasayaw na lang at nagpatakbo-takbo na lang ito upang maiwasan ang matinding kamao ni Pacquiao.

Kaya hayun umabot ng 12 rounds. Mula 7th round ganun na ang ginawa ni Cotto.

Kaya hayun mas lalong bugbog-sarado siya kay Pacquiao.

Hindi niya alam lalong tumatagal ang laban lalong nagiging mabagsik si Pacquiao.

Parang tigre na kapag nasusugatan lalong umuungol sa galit.

Buti inawat pa ng referee dahil kung hindi malamang hindi na makakatayo si Cotto.

* * *

Sa kaso ni Manny, hindi daw din agad natapos ang laban.

Biruan ng marami, bugbog sarado daw si Manny kay Jinkee.

Ha ha ha!

Huwag nyo akong tanungin kung bakit dahil wala ako dun sa Amerika.

Marami ding maloloko ang nagtanong kung sino daw ang tinabihan ni Manny after the fight? Si Jinkee o si K?

Ha ha ha!

Anyway, congrats pa rin kay Manny. Mabuhay ka at ipinagmamalaki ka namin!

Saludo kami sa iyo Manny!

* * *

Speaking of Jinkee, sosyal ha at ang ganda-ganda niya nang manood ito ng laban ng kanyang husband dear.

Naka pink mini skirt na dress with matching pink Hermes Birkin bag. Seksing-seksi si Jinkee!

At wow grabe daw ang mahal ng bag na yun.

Kailan lang naisulat ni Nanay Lolit Solis na may mamahaling Chanel bag si K.

So hindi nagpatalo si Jinkee.

Siyempre kung ako ang asawa hindi rin ako papatalo noh!

May balitang hindi na nakapanood si K ng laban ni Manny dahil natakot yata kay Jinkee.

Dapat lang noh.

May tsismis pa nga ang buong pamilya ni K ay nakatira sa Luxor Hotel sa Las Vegas at may 23 tickets para sa laban ni Pacquiao.

Grabe ang tibay naman!

Noong nasa LA naman daw ang pamilya ni K sa Pallazzo apartment daw ni Manny nakatira ang mga ito.

Yun ang tsismis!

Wala naman ako dun kaya hindi ko alam kung totoo.

Har har har!

* * *

Happy birthday kay Kap Alvin Patrimonio ngayon. Gayundin din sa aking pamangkin si Ric -Ric at si Novi na mga kasabay ni Kap sa espesyal na araw ngayon.

vuukle comment

COTTO

DAW

GRABE

HERMES BIRKIN

JINKEE

KAP ALVIN PATRIMONIO

KAYA

MANNY

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with