^

PSN Palaro

Pinoy riders magsasanay sa Baguio City

-

MANILA, Philippines - Nagtungo ng Baguio City ang mga miyembro ng Philippine cycling team para sa dalawang linggong training sa mataas na lugar sa pagpasok nila sa krusiyal na yugto ng paghahanda para sa Laos SEA Games.

Sinabi ni Integrated Cycling Federation of the Philippines (ICF) Officer-in-Charge at secretary general Manding Bautista na ang koponan at matagal na sanang nagsasanay sa summer capital ng bansa kung hindi lang nagkaroon ng kaguluhan sa liderato na nakaapekto ng kanilang iskedyul.

Suportado ng Philippine Olympic Committee (POC) ang grupo nina Cruz at Bautista. Si Harbour Centre owner Mikee Romero ang nahalal na presidente ng grupo ngunit nag file ng indefinite leave of absence noong nakaraang buwan.

“We’re now running out of time, so we have to take this special training to make up for the lost time,” ani Bautista, na pinasalamatan si Romero sa patuloy na pagbibigay ng pinansiyal na tulong bagamat naka-leave ito.

At dahil sa maikling panahon ng pagsasanay magiging masaya na ang grupo kapag nakakuha ng medalya ang mga siklista. Noong nakaraang dalawang taon sa Thailand, humakot ng 3 golds ang bansa sa cycling.

Ito ay buhat kina Marites Bitbit, Joey Barba at Alfie Catalan – na magbabalik upang idepensa ang kanilang titulo pero mas malakas na hamon ang kanilang haharapin ngayon.

Ang iba pang miyembro ng koponan at sina Eusebio Quinones, Frederick Feliciano, Jan Paul Morales, Irish Velenzuela, Scott Christian Remi, Alvin Benosa, March Mcquinn Aleonar, Anna Marissa Remegio, Joey Barba, Ronald Gorantes, Jeremy Moore, at Joel Calderon.

Sasabak ang koponan sa lima sa walong events at ito ay ang open individual road race, individual time trial, MTB cross country, MTB downhill at women’s MTB.

ALFIE CATALAN

ALVIN BENOSA

ANNA MARISSA REMEGIO

BAGUIO CITY

BAUTISTA

EUSEBIO QUINONES

FREDERICK FELICIANO

INTEGRATED CYCLING FEDERATION OF THE PHILIPPINES

IRISH VELENZUELA

JOEY BARBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with