Arevalo at magkapatid na Patrimonio bigo
MANILA, Philippines - Sunud-sunod na kabiguan ang natamo ng pambato ng Pilipinas na sina former RP No. 1 Czarina Mae Arevalo at Patrimonio sisters Anna Christine at Ann Clarice para sa unang round ng Holcim ITF Women’s tournament kahapon sa Rizal Tennis Center.
Sa ilalim ng sikat ng araw, lumuhod si Arevalo kay Israeli Ofri Lankri sa pamamagitan ng masakit na pagkagapi na 2-6, 4-6 marka para umpisahan ang kampanya para sa taunang torneo ng ITF Grand Slam Development Fund.
Pinilit na makubra ang pananaig, kinapos ang hampas ni Anna Clarice Patrimonio nang ilampaso siya ni Vietnamese Trang Huynh Phoung Dai sa 6-4, 7-5 tagumpay upang umusad habang ang nakakatandang si Anna Christine ay umani ng masaklap na 4-6, 4-6 pagkatalo sa kamay ni Elodie Rogge-Dietrich.
Subalit maaliwalas na nakuha ng United States based na sina Maricris Fernandez at Fil-Am Riza Zalameda ang wildcard entries upang itaguyod ang pag-asa ng mga Pinay para sa first round ngayong araw sa kabiguan ng tatlong Pinay. (SNFrancisco)
- Latest
- Trending

















