^

PSN Palaro

Lady Stags tinagpas ang Lady Maroons

-

MANILA, Philippines - Sinamantala ang miscues sa third set, siningitan ng San Sebastian ang University of the Philippines upang igiit ang 24-26, 25-22, 28-26, 25-12 panalo para sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 6 sa The Arena, San Juan City noong Martes.

Buhat sa isang matinding panalo kontra St. Benilde Lady Blazers, muling bumulusok ang kalibre ng Lady Stags makaraang makatikim ng panghihina sa first set na syang nagpaliyab sa pagnanasa nito upang tapusin ang laban pabor sa SSC sa loob ng 1:46 engkwentro.

Ninakaw ang pagkakataon mula sa mga nagawang errors ni UP hitter Southlyn Ramos, nasikwat ng Recoletos based squad ang momentum para dominahin ang naturang laban.

Nagtulong sa pagratsada sa fourth set, umatake sina Joy Benito, Margarita Pepito at Elaine Cruz para pagtibayin ang kampanya sa second conference ng ligang hatid ng Shakey’s Pizza.

Kapwa tumapos sina Benito at Pepito ng 21 points habang nagdagdag naman ng 17 points si Cruz.

Gayundin, tumipa ng 9 at 8 hits sina Melissa Mirasol at alumna guest player Jinni Mondejar, ayon sa pagkakasunod. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

ELAINE CRUZ

JINNI MONDEJAR

JOY BENITO

LADY STAGS

MARGARITA PEPITO

MELISSA MIRASOL

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SARIE NERINE FRANCISCO

SHAKEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with