^

PSN Palaro

UST Tigresses solo lider na

-

MANILA, Philippines - Nahirapan sa pagkubra ng panalo, nailusot ng University of Santo Tomas ang ikalawa nitong panalo matapos malamangan ng Far Eastern University, subalit nakabawi sa huli upang tapusin ang laban sa 17-25, 28-26, 25-22, 25-17 para sa pagpapatuloy ng Shakey's V-League Season 6, The Arena, San Juan City.

Katulad ng inaasahan, muling nagpakitang gilas sina skipper Aiza Maizo, ang nagbabalik na si Angeli Tabaquero, Roxanne Pimentel at Maruja Banaticla upang sakmalin ang Lady Tams at angkinin ang solong liderato.

Humampas ng 19 points na atake at 7 blocks, nanguna si Maizo katuwang si Tabaquero na nagbigay ng 26 points kontribusyon, tinapos ng Lady Tigresses ang laban sa loob lamang ng 1 oras at 41 minutong engkwentro.

Malaking tulong rin ang 12 at 10 points ambag nina Pimentel at Banaticla sa pagbaon sa FEU squad.

Bagamat nanaig sa unang laban ang Lady Tams, 25-13, 25-23, 25-16, nagpamalas rin ng husay sa unang set sina Cherry Vivas, Shaira Gonzalez at Rachel Ann Daquis upang pakabahin ang UST.

Tumipa ng 20 point performance tampok ang 16 kills, kinapos ang kontribusyon ni Vivas, habang matamlay rin ang 15 atake at 19 points ni Gonzalez sa ligang hatid ng Shakey's Pizza.

Subalit sa kabila ng perpektong barahang tangan ng UST, mananatiling masigasig ang tropa ni UST coach Cesael delos Santos para makuha ang titulo na kanilang ipagpapatuloy sa ppakikipagtagpo sa Lyceum sa labang gaganapin sa Blue Eagle Gym.

Samantala, ang laban noong Martes sa pagitan ng Ateneo-UP match ay ipapalabas ngayong alas-2 ng hapon sa NBN-4 habang ang UST-FEU game ay mapapanood naman bukas (Biyernes) Lahat ng laban ay mapapanood ng live sa webcast sa www.v-league.ph. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

AIZA MAIZO

ANGELI TABAQUERO

BLUE EAGLE GYM

CHERRY VIVAS

FAR EASTERN UNIVERSITY

LADY TAMS

LADY TIGRESSES

MARUJA BANATICLA

RACHEL ANN DAQUIS

ROXANNE PIMENTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with